cyber-bullying

So yun guys, share ko lang po about sa na experience ko rito sa app na to, diko po sinasabi na lagi ko sya na encounter or marami sila mas iniisip ko baka isang tao lang sya na talagang mapanghusga at tinatago ang sarili (annanymous) para lang mang husga sa mga nakikita niang mali sa mga mata nia, so yun dec 31 2019 nag post ako ng picture ng baby ko with her french father and yes i know he's older than me as in a big age gap, pero diko yun kinahihiya or kahit sya as a parents very proud kme lalo na nako kase we are not expected na mag kaka baby pa ko dahil sa health problem ko at sya naman medyo may age na pero di pa sinior ?? may age lang sakin, after that marami nag congrats sa comment and thankfull ako sa mga mommy na ang nakita is yung beauty ng mag ama ko hindi yung edad ng bf ko hanggang sa may nag comment na (annanymous) account at ang sabi is, "Ayos Yan masarap yan sugar daddy" something like that then emoji so ako naiinis hindi ko sya pinansin kinoberan ko nalang yung face ng bf ko then after couple of hour she/he back again trying to ruin my post, "kanina wala tong cover ngaun my cover na" emoji again, then duon na ko na inis ng husto at nereplayan sya pero di na sya sumagot, bakit kaya may mga tao na ganun hindi nalang maging masaya or kahit mag panggap na lang na okay sa paningin dahil di naman sya ang makikisama, or kahit ignore nalang nia kung hindi sya masaya hindi yung talagang isisingit nia yung walang kwenta niang komento para lang may masabi. Hindi ko alam kung magagalit ba ko or maiinis na natatakot na mag post ulit ng masayang litrato with my bf and our baby dito or sa kahit saang social media dahil baka husgahan nanaman kame, kawawa naman yung baby ko, nahuhusghan ng mga walang kwentang tao, wala pa syang 24hrs dito sa labas ng mundo may humusga na sa kanya pano pa habang lumalaki sya? Mahihiya sya mag pakita ng family picture dahil sa makakarinig sya ng di maganda tungkol sa parents nia, sobra to dito ako higit na na stress kesa nung nag bubuntis ako . At ikaw po salamat ha nag tanim ka ng takot sa utak ko para sa pamilya at pang araw araw na pamumuhay ko.

cyber-bullying
267 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ignore mo nalng po .. as long as healthy si baby wla po kayong dpt ika-stress.. focus nlng po kau sa baby nyo ang ganda gnda pa namn .. tyka d nyo po dpt ikahiya ang age gap ng asawa ninyo.. wlang ambag sa pamilya nyo ang comment ng iba as long as kumpleto ko buo kau at pareho nyo nagagampanan yun tungkulin nyo as parents yun po ang mas mahalaga kesa sa sinsabi ng iba . Tyka wag nyo po isipin na mahihiya ang anak nyo pag laki nya about sa age gap nyo mag asawa.

Đọc thêm

Momsh inggit lang un,baka kasi yung partner nya walang pkialam sa kanya o baka naman meron ka ng wala sya😉 my partner is way older than me and I love him so much..He is british -not rich,not spoiling me with extravagant presents but a very responsible partner.. so mommy as long as you're not taking your partner for granted- just ignore those kind of people..😊 Congratulations ❤️ Btw we're waiting for our baby boy❤️ EDD- January 13,2020

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kinulang sa aruga un sis.malakas lng loob kasi naka anynamos. Ako mga 12yrs gap namin ng asawa ko pero proud parin ako kasi mahal ko siya. Walang pinipili ang love. Minsan nadin akong naka ranas ng ganyan si ganito ung aswa niya matanda na,si ganito may sugar daddy .natatawa nalang ako .wa pakels nalang ako kasi di nila buhay ang buhay ko at masaya ako kung anong meron ako ngayon. At mas gwapo pa asawa ko sa mga jowa nila hahahh

Đọc thêm

Sakit naman talagang usually nang Pinoy yan kahit sang lugar even sa ibang bansa kung sino pa kalahi mo sila pa hihila sayo pababa, crab mentality kumbaga. Inggit yang ganyan, hindi masaya sa kasiyahan ng kapwa, ang magandang panlaban dian e ignorin mo at mas ipakita mong positibo ka lalo sa buhay mo aslong wala kang tinatapakang Tao, wag mong pansinin mga ganyan, maging masaya kapa lalo at mas lalo sila mamatay sa inggit 😄

Đọc thêm

Hahaha gigil yan . Kami rin ng asawa ko malaki age gap 💋 at magkakababy narin kami this coming june, di kami nagpapaapekto sa mga taong ganyan. Kasi lagi sinasabi ng asawa ko . Ang importante lang is kaming dalawa at naiintindihan namin ang isat isa. At hindi yung sasabihin samin ng iba. Dedma mo nalang yan momsh 😂🤣 baka di lang yan mahal ng asawa niya or worst is walang pumapatol kasi wala naman syang kwenta 😂🤣

Đọc thêm
Thành viên VIP

agree. wag mo na lang pansinin. i've always believed na ang only opinion that matters yung opinyon ng mga mahal ko sa buhay. as long as alam ko sa sarili ko na wala akong inaagrabyadong ibang tao, kebs na sa iba. on a more serious note, pls do report to us yung mga ganyang users kasi they are violating community rules. para mapagsabihan or ma-ban kung talagang abusive sila.

Đọc thêm

Hi mommy, yan ay isang consequence o risk natin pag nagpost ng picture. Maari tayong mapulaan, malait o masabihan ng mga di kanais nais. Careful lang din sa pagpopost lalo sa pictures ng baby. Maraming halang ang kaluluwa ngayon. Nag-aANONYMOUS, mga duwag naman. Anyway, dedma mo na lang. The more na pansinin mo, lalo kang bbwisitin. Bahala na si Lord sa kanila.

Đọc thêm

Baka kasi muka syang pera kaya wala pumatol sa kanya sayo nainis 😅, wag ka na mastress Momsh lalo lang matutuwa yun kasi naiinis ka, Kill them with happiness! Para sila ang mainis! 😉 ang mahalaga masaya kayo ng pamilya mo, intindihin mo na lag kasi sila hindi masaya sa pamilya nila kaya ang negativity nila pinamamahagi nila kahit di natin kailangan 😅

Đọc thêm

Dedmahin mo nalang sis. Malamang punung puno ng inggit sa katawan yung nangbash sayo. Wag mo nalang stress-in sarili mo sa walang kwentang tao o bagay. Focus mo nalang attention mo sa family mo. Magulo na talaga mundo ngayon, may gawin man tayo o wala sa kapwa natin di parin maiwasan majudge. Bayaan mo sila. IpagpasaDios mo nalang 😊 Ganda ganda ng baby mo

Đọc thêm
Thành viên VIP

may mga ganon po tlg na walang mcomment na mganda.. pero pgngpost kasi ng pic s public, binibigyan dn po mga tao na nkkkit ng right bigay opinion nila. may mga tao may maiisip pero ndi na ssbihn para ndi mksakit. meron nman gusto sabihin kasi un nffeel nila. cguro better if post ng photo sa fb o ig na lng then for family and friends rather than sa public

Đọc thêm