Ask lang po mga mie, ftm po ako
1 year old na po si Lo. Worried po ako kasi baby ko ayaw tlaga kumain ng meat kahit super mashed na po ayaw niya ng texture. Kunware tinola or nilaga po ung ulam niya, kanin saka sabaw lang po gusto niya. Pag binigyan ko po ng meat ayaw niya, hinimay ko pa po ng maliliit pero ayaw tlga. Picky eater po si baby. M Tips po sana para kumain siya🥹🥹🥹
what age na po ni baby mommy? anyway if ayaw niya talaga ng meat mahirap pwersahin pero keep offering lang mommy magugustuhan din niya yan... alternative din po para may protein si baby kung ayaw ng meat: bean sprout (togue) tofu egg toddler na ba si LO? pwede mo din gawin lumpia.. nabibigyan mo ba si LO ng matatamis? pansin ko kasi pag nakakalasa na sila ng mas masarap like matamis madali na sila umayaw sa foods. si LO ko kasi never naging picky eater ngayon lang siya nakakain ng may tamis ng nag 2yo na siya.
Đọc thêmHi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!
Đọc thêmSame tayo mi, pero kahit pano nag wo-work naman sa baby ko pag dinudurog ko tapos itatago ko sa ilalim ng kanin then maraming sabaw. Sobrang hirap pag picky eater ang bata. Goodluck mi!
Kahit ano gawin ko mii ayaw pa din pag nalasahan niya iluluwa niya ayaw niya may texture🥹
mag 4 yrs old na daughter ko and still mahirap din pakainin ng meat. kahit tinatago ko sa kanin, niluluwa nya. pag giniling or nasa lumpia, nakakain nya. :)
try niyo po i blender ung meat kasama ng mga veggies momshie
Shutacca 1 year old pakakainin na ng karne??