Night Shift
Any working moms/pregnant moms na nagwowork po dito sa gabi? How was it working at night pero buntis? Stay at home mommy ako at 2 months pregnant now, medyo tight ang budget na si Mister lang may work. May nag offer sa akin ng work from home pero night shift 9:30 to 6 a.m pasok... Any inputs po mga mommies? Salamat...
Ako sa hospital ako mag tatrabaho and di talaga maiwasan na kay graveyard shift ako. Ok lang naman po pero pag di ka sanay talaga mahihilo ka. Tsaka di rin talaga advisable sa buntis ang graveyard shift kay mag iiba talaga sleep pattern mo. Pero nasa sayo parin po yan. Kung sa tingin mo ay kaya mo po then why not subukan. Talk to your husband first kung ok lang sa kanya. Tsaka consult ka rin sa ob mo para ma advise ka ng maayos po.
Đọc thêmPa-check ka muna sa ob mo momshie para may medical advice. Pero mahirap po magnight shift momshie kung hindi ka po sanay. Kasi lalo na first trimester ka pa, aantukin ka pa niyan ng sobra lalo na pag madaling araw na. Dinanas ko na po kasi yung ganun kasi night shift po ako. Pero pakiramdaman mo rin if keri mo naman. :)
Đọc thêm