Nestogen or Bonna?
Which is better nestogen or bonna? For 2 months old baby.
Depende po better to consult your pedia kasi before bonna si baby pero nag tae siya kaya ang pinalit ng pedia enfamil kaso ayaw niya inumin kaya nag S26 kame maganda ang s26 or NAN optipro matibay ang buto ng baby Pero depende kasi hiyangan naman ang baby sa milk.
Pareho namang maganda ang price nila. Pero kung pipili ako between bonna or nestogen, doon ako sa nestogen. Hindi naman lahat ng baby na mataba ay healthy. Opinyon ko lang naman po.
Best for me is BONNA for newborn. tumaba baby ko .. takaw nya po sa milk normal lang naman mag kalungad ang baby basta tama lang pa inum mo skanya at burp mo after feeding maganda din po flow ng Poop nya every day 2x po sya nag poop
as in kasundo ng baby boy q ang bonna, never xa nag lungad, maganda ang dumi, unlike xa panganay q n S26 p pero nka ilng palit aq kc grabe xa mag lungad subrang dami, thnks god at now hiyang n hiyang c baby boy,...
Nestogen. Kasi tumaba baby ko sa nestogen ganado din sya at nakakadumi ng maayos kumpara sa bonna di sya makadumi ng maayos at mataas din sugar content ng bonna kaya daw nakakataba. kaya nestogen ipinalit ko sa kanya.
hello mommy, depende rin kasi eh. hiyangan din po sa baby ang gatas. pero mas ok kung pa consult ka sa pedia ni baby para mabgyan kayo ng advise if what's the best for your LO.
Bonna. Pwd nestogen kpag hnd xa G6pd positive kc soya ang nestogen. Carrier kc ako kya ung anak kong pngalawa na boy may g6pd, ingat lahat s pgkain at iniinom
Sabi po ng pedia namin, kung gusto n'yo ng malaman na baby, try bonna vs nestogen. pero mas maganda daw sa brain devt yung nestogen.
yes! bibo anak ko sa Nestogen
Hello po. sakin depende po kung saan hiyang baby nyo. I tried enfamil na 6-12, tumigas pupu ng baby ko kaya i switched to bonna. Hindi naman tumaba anak ko sa bonna. Nahiyang na sya sa bonna.
Breastmilk is still best for babies! Pero kung wala talaga, doon tayo sa Bonna. Tumaba yung mga pamangkin ko dun.
tumigas dumi bg baby ko sa bona