weird inaanak
Weird ng inaanak ko na 1 yr old bakit ganun sobrang delayed niya.... Noon ko pa napapansin pero tahimik lang ako ? mga 4-5 mos ata niya natutunan kayanin leeg niya, 8 months ata yung dapa, tapos 1 yr old, di pa naglalakad pag tinuturuan, lalabanan niya paa niya para buhatin. Di maruning mag salita... Tapos yung 1 yr 4 mos na, 2 lang ipin ? bakit ganon masyado ba kasi binababy yun pag ganon? Ayaw ko magawa sa baby ko... Grabe yung delay. Pati close open di alam.
Di lahat ng babies pare pareho. Kung may ibang baby or kung yung anak mo 5 months palang nakakalakad na (medyo OA lang pagkakasabi ko) may ibang baby na mag 2 years na gapang gapang palang alam. Wag ipag kumpara ang mga babies kasi ibat iba yan sila. Wag ka tumawa, kasi malakas ang karma.
Bakit di mo i-open sa magulang ng bata mga napapansin mo? Total inaanak mo sya, pangalawang magulang ka, di ka naman kukunin na ninong o ninang kung di ka malapit sa magulang. Sabihin mo in a nice way para di naman masakit sa magulang. Parang pinagtatawanan mo pa kasi, nakakalungkot lang.
Parang utak mo yung may delayed development te. Magkaka anak ka na lang utak immature kapa. Pag labas ng anak mo, sanggol pa lang turuan mona agad ng mabuting asal ha? Pati multiplication table and branches of science. Kakatakot baka mag mana sa kabobohan mo eh.
My lo is now 9 month old. Pero di nya alam un close open. Pero pag sinabi mong appear sa kanya alam nya. Masasabi mo bang delayed ang anak ko? Dahil hindi nya alam ang gusto mo? Ikaw ang delayed ang utak pati bata nilalait mo. Mas masahol pa jan ang mangyayari sayo.
wala kang kwentang ninang! kung aq nanay nung bata masasampal kita ng walang tigil! gigil mu c ako! di naman pare pareho mga bata at di ginusto ni baby at ng parents nya maging ganun kabagal yung development nya.. sana nalang nga di mangyari yan sa anak mu..
Mas weird ka ate. Dapat inuunawa mo ang kalagayan ng baby. At kung alam mo na napapansin mo yan sa baby sana nakikipagkwentuhan ka sa nanay nya ng napapansin mo para macheck up nila yung baby. Kaya wala asenso to pinas dahil sa mga tao mapang husga kagaya mo.
Depende mommy. The only way lang naman na macoconfirm na delayed si baby is kung ipapacheck sa pedia at chuld psychiatrist. :) Pwede mong sabihin sa kumare mo yung napapansin mo para maconvince siyang ipacheck, careful nalang sa words para hindi offensive ang dating.
Di ko pinintasan :) nagtatanong lang ho kung bakit siya ganon dahil ba binababy kasi at sinanay sa buhat? Ganon mga raulo kayo
Very wrong! Every kid is different. Malay mo sayo fast nga yung progress pero mahina naman pala utak? Or vice versa siya naman slow progress tapos talented naman? Nako mamsh, mag dasal ka na hindi ma punta sa anak mo yung pag momock mo sa inaanak mo. Toxic ka.
Iba iba ang development ng mga bata. Makikita mo lang na delayed ang isang bata sa specific aspects ng buhay nya kapag nareach nya na ang 4 years old. There is no specific stage of development na dapat mareach agad ng bata at a specific time. Now you know.
para kang ninang ng anak ko pintasera. bestfriend ko pa naman sya. pero may tinatagong inggit pala ang gaga. gagawin lahat para masira yung pamilya ko dahil gusto nya sya ang mas may masayang pamilya. dapat yung mga kagaya nyo di na nabubuhay eh. hahahaha
Proud mommy of 2 sons