My Birth Story💕
Just want to share my story para lumakas din naman ang mga momsh po d2 na malapit ng manganak. I'm a first time mom at marami ako natutunan sa app na to kaya it's my turn to share my experience to inspire others too. Last June 6 I gave birth to my 1st born at 36weeks. Di ko inisip na manganganak na ako kasi June22 pa ang due ko. At 5:45am nagising ako naramdaman ko na may nag-leak na tubig sakin palakas ng palakas hangang sa kabahan na ko. Tinext ko na OB ko at pinapunta na nya ko ng ospital. Pag-IE sakin nagulat kami kasi 8cm na pala agad at wala ako nararamdamang anumang sakit. Hindi po ko nag-squat, nagtàgtag or uminom ng pampalambot ng cervix, naglalakad lang po ako every morning ng 10-15mins.starting 6mos.as per my OB advice..Inadmit na ko at naghintay na sumakit. And Atlast after 4hrs.ng paghihintay nagstart ng sumakit ang puson at balakang ko. Nong hindi ko n kaya ang sakit pinatawag ko na ang OB ko at dinala na ko sa Delivery room. After 30mins. lumabas na si baby!😊 Hindi ako pinahirapan ng baby ko. Though hindi ko na sya nakita at narinig na umiyak pagkalabas kasi nakatulog na ko.😅 Atleast she was delivered safely. Above all I thank the Lord for an answered prayer. Gabi-gabi kami nagpi-pray ng husband ko na hindi ako mahirapan sa panganganak and He really answered us. Takot po tlga ako mabuntis dati kasi takot ako manganak heheheh...Pero in-overcome ko yong takot at biniyayaan naman kami. Worth it lahat ng hirap sa paglilihi🤣🤣parang mahirap pang maglihi kesa umire hehe base lang po sa experience ko..Kaya sa mga malapit ng manganak, wag po kayo matakot, magtiwala lang po tayo sa Diyos na nakikinig ng ating mga dasal. Kayang-kaya bastat si Lord ang kasama!🥰