My Normal Birth Story
Just want to share my story. August 19 morning, nakaramdam ako ng cramps sa puson ko pagyari namin maglakad ni hubby para magpatagtag dahil 41weeks na si baby base on my latest ultrasound. Then, nawawala wala sya. So binalewala ko na lang din. Tapos kinagabihan, around 8:30pm nagulat ako kasi may tubig na umaagos galing sa ari ko. Kala ko ihi lang, then pagtingin ko pumutok na pala panubigan ko. Dali dali akong nagpatakbo sa ospital. Wala akong pain na nararamdaman. Tamang pumutok lang panubigan ko. Pagdating don, chineck agad BP ko at nag 140/100 sya. So ang ginawa pinagpahinga muna ako and pinagrelax baka daw natetense lang ako. Tas nilagyan na ko dextrose at tinurukan na din ng pangpababa ng dugo. After 10 mins BP ulit pero di talaga bumababa dugo ko. So ang ginawa dinala ko agad delivery room. Dun nila inantay bumaba dugo ko pero walang nangyayari. At 1-2 cm palang din daw ako. Mga around 3:00am nag suggest na sila na itransfer na ko sa mas malaking ospital para i'Emergency CS. Pinapirma na asawa ko at mama ko sa waver. Then trinansfer na ko. Expect ko talaga cs ako. Pagdating sa mas malaking ospital, inay'E ako ulit, check ng BP at HB ni baby. Okay naman si baby pero ung bp ko ayaw talaga bumaba. So tinurukan ako ulit pangpababa ng dugo. And thankyou lord after an hour bumababa na sya. So pinasok ako sa delivery room to monitor my BP and my Baby's HB. Normal na Bp ko at sa awa ng diyos di bumababa HB ni baby kahit natuyuan na ko. Every hour monitor sila sa HB ni baby and okay naman kaya napapanatag ako. Around 6am in the morning naramdaman ko na yung cramps sa puson and balakang. Tolerable pa naman ung sakit. Around 10 am, Sobrang sakit na pero 5cm palang daw. So tiis tiis ako sa sakit kahit para na akong baka na ngawa ng ngawa😂. Mga 11:30 nag suggest na ung dra. Na injeckan na ko ng pangpahilab para daw tumaas cm ko. Effective naman pero Times 3 ang sakit nya. 12 pm almost full na daw Cm ko kaya pinairi na ko ng pinairi ni dra. 12:20 dinala na ko delivery room para manganak. And saktong 12:24 baby's out. Cord coil pala si baby ko. Pero di ko alam san nakapulupot pusod nya. Napathankyou lord na lang ako nung lumabas na sya. 😊. Mahirap pero masarap pala talaga magkaanak. Sulit lahat ng pagod at sakit ng masilayan ko anak ko. Meet my Calyx Jio Everyone❤️ Dob : August 20,2020 Edd: August 14,2020 base on Latest ultrasound. Base on Tvs: August 22,2020 3.4 kilos Via NSD.