May Nagkacounselling po ba dito.?

Wanna share lang sa deppression na pinagdadaanan ko ngayon.Im 7 mos pregnant.As of now nakastay ako sa bahay ng bf ko with his family.Actually sobrang bless ko kase tanggap na tanggap nila ako simula pa noon hanggang ngaun na mabuntis nga ako.Nagplan na kami magpakasal nauna lang talaga si baby.But sometime naiisip ko na parang walang pakialam ang family ko sa akin.sa side ko..kase ni isa talaga sa kanila walang tumatawag sa akin o nangangamusta man lang.In my side ako talaga ang provider sa family ko..then nagkaroon ng alitin sa aming magkakapatid nung nagpagawa ako ng bahay ng magulang namin kase plano namin magkakapatid yun pero nangyari ako lang mag isa nagfinance hanggang sa nagkautang ako at nastop ang pagpapagawa.Due to pandemic din ng mawalan ako ng work at di nakakapagpadala ng maayos sa kanila..nabuntis din ako kaya nagsabi ako kaagad sa kanila na kailangan ko magsave..apparantly kung di ko pa sila tatawagan di ko pa sila makakausap.Ganun po ba talaga dapat..Kase at may 7 mos dapat may gabay ako ng magulang ko at kapamilya ko pero wala.I was very devastated lalo pag naiisip ko na napakswerte ko sa asawa ko dahil ni hindi nagtatanong kung bakit walang suporta sa magulang ko.Kahit buntis ako ngaun kami pa ng asawa ko ang nagpapadala sa kanila kahit di pa sapat ang ipon namin.Some other parents lalo pag babae ka napakasupportive ako.wala.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

I think normal yung nafifeel mo. Iba kase ang expectation mo vs sa nangyayare. While sa side naman nila.. possible disappointed din kase sila kaya ganun. Lalo’t babae ka, siguro nag eexpect din sila na even pregnant naiisipan nyo na magpakasal na bago lumabas ang baby mga ganun. Di naten masabe ano ding mga asa isip nila. Ang maganda dyan if kakayanin mapuntahan nyong magpartner ang parents mo din para malaman mo din anong mga hinaing nila. Kung bakit sila ganyan sayo diba? Para bago ka man lang manganak, okay kayo both sides. Mahirap din kase ung iisip isip ka bat sila ganun? Mas mabuti pa din makapag usap kayo ng maayos at maopen nyo lahat ng nararamdaman nyo.

Đọc thêm
4y trước

May ganyan po talaga. Magpasalamat na lang tayo na meron pa ding family na may care saten. Di man naten makuha yung dapat sa mismong family naten makukuha atleast may nagpupuno naman. Ganun na lang po.

Well hindi mo maaalis sa kanila na disappointed sila 1) Kasi breadwinner ka 2) Wala silang source ng pera. Meron talagang ganyan na parang kilala ka lang pag may kailangan sayo. Pag nakuha na ung kailangan o walang makuha dedma ka na rin. Suggestion ko wag ka na pa stress. Not worth it. Isipin mo na lang hindi lahat welcome sa family ng asawa/jowa nila pero ikaw welcome ka.

Đọc thêm
4y trước

Naisip ko din po yan kaya lang di ko maiwasan maghanap ng kalinga ng family ko sa panahon na ito..first time mom lang po ako