No milk 4 days postpartum
Wala talaga ako nakikita lumalabas sakin. Iyan na ng iyak baby ko kapag na latch sya sakin. Feeling ko either sobrang konti lang nakukuha nya or wala. Ano ba gagawin ayaw naman ng pedia ko e formula si baby. Ng natalac na ako, sabaw, milk, water. Ano pa ba gagawin naaawa na talaga ako kay baby :(#pleasehelp #firstbaby
Try niyo mommy malunggay capsule, dun lang din ako kumapit nung bagong panganak ako kasi as in walang madede si baby. Tapos sobrang sakit na ng dede ko pero pinipilit ko pa rin ipadede sa kanya, after 2 days siguro may tumulo na. Nung nagka-gatas na ko more on water ako iwas sa malalamig na inumin dahil nakaka tuyo raw nang milk yun ngayon 10 months nang mahigit breastfeeding and take note, flat chested pa ako. 😂 Huwag kang susuko mommy magkakaroon rin nang milk yan. 😊
Đọc thêmmii sakin 5 days wala akong milk pero naka formula si LO . ang ginawa ko mii is bumili ako ng dahon ng sibuyas pinakuluan ko tapos , pinahid ko sa breast ko yung kaya mo lang yung init nya . from kili-kili pababa yung pagmassage ko . pinisil pisil ko din yung nipple yung parang nag lalatch si baby . maya-maya mii lumabas yung milk , sobrang happy ko nun hehe . tinuro lang din yun ng mama ko po 😊
Đọc thêm4 days din bago ako nagka milk.. wala talaga akong iba pinatake kay baby sabi ng OB ko ipalatch ko lang may naiinom naman daw ang baby kahit konti kasi tulog lang sia ng tulog din pero kapag gising siya pinapadede ko lang talaga ayun sa awa ng Diyos nagkamilk ako after 4th day.. tapos nag stop kami breastfeeding 2 years ang 7 months na sia 🥰
Đọc thêmHave the pedia check your breast and paturo ka po sa kanya ng tamang latch. Mas okay din if magpa-check ka sa lactation consultant. since 4 days na, you might also want to find a new pedia
Mindset, mommy. Priper latch po. Baka mali po pagpapa latch mo. try and try padin po. May tamang paghawak po yan
Check mo po to, mommy. Wag mo pong sususkuan.