Breastfeeding pero walang nutrition kinakain. Worst wala talagang kain at all

Wala kaming work ni LIP ngayong pandemic. Bago mag kanda letche letche ang lahat, kakapasok ko lang ng work sa isang agency. Akala ko okay na, 26years old na ko at siguro naman kaya ko na magkaanak kasi dati ko pa pangarap mag kababy. Kako nga kahit laruan na baby bibili ako sa halaggang 10k kasi ayaw pa ni LIP magka baby hanggat di pa sya stable sa work nya. So ayun nga nagkawork at binuo pa din namin si baby. Sabay sumulpot si pandemic. Tanggal ako sa work kasi maselan sa virus lalo na at buntis and bago palang ako sa company. Pero company made sure na lahat ng benefits and even bonus ibinigay nila in advance kaya kudos sa agency na yun. So eto na nga. Buntis ilang bwan walang work kami pareho. Sya sideline sa mga tropa. Ako sa bahay lang. binigyan kami ng business nung ate ni LIP, sahod ko dun every month 3k okay na din kesa wala online selling lang naman walang pagod and very thankful ako kasi mabait naman sya. Sya saka nanay ko tumulong samin sa pag papaanak ko CS ako dzai! :( sakit sa bulsa. Utang utang kami. Ngayon naipanganak ko na si baby lahat ng tipid ginagawa ko magkasya lang. okay naman. Iniisip ko lang yung dinedede ba sakin ni baby is okay lang? Minsan kasi isang beses lang kami kumain sa isang araw. Minsan tinapay lang minsan tubig lang. kahit pandemic lahat ng celebration pinupuntahan namin ni LIP makalibre lang ng foods. Kahit kamo birthday ng aso kasakasama namin si baby para may makain lang. muka namang malusog si baby kahit papano. Mataba talaga sya. Iniisip ko nga baka ba dahil lang sa malamig gatas ko puro hangin kaya lang sya mataba ih. Nag try din ako mag hanap ng work from home. Pinilit ko. Tadhana na yata ang umaayaw. 4months palang si baby ngayon. Kahit gusto ko magwork at daddy nya magbabantaybsa kanya. Ayaw naman akong tanggapin ng mga hudas na company. Hahahaha. Habang tinatype ko to. Gutom na gutom na ko. Kakatapos ko lang mag padede kay baby. Gutom pa din kaya sya sa pinadede ko sa kanya? Pero kahit di ako kumakain ang daming nalabas na gatas sa dede ko kasi soguro puro ako inom ng tubig Iniisip ko at ikinukumpara ko nalang buhay ko sa mga pulubi na nanay sa kalsada. Pareho kaming gutom. Kaibahan lang may bahay kami sila sa kalsada nakatira. Yun nalang ipinagpapasalamat ko sa araw araw na naulat pa mata ko. Salamat sa pag babasa. Gutom lang siguro to kaya kung ano ano naiisip ko. Yung sa nasa pic dun napupunta yung ibang pera galing sa 3k na sahod sa business. Yung iba pag nabili kami ng ulam para sa isang beses na kain sa isang araw. Istak kami tinapay para kahit papano may laman tiyan. Salamat sa pag babasa.

20 Các câu trả lời

VIP Member

Salamat mga mommies sa mga sagot, continues prayers and mayron pang handang tumulong... 😭😭😭 Nakakatouch po. Soon pag kaya na po iwan si baby maghahanap na po ko work. Simula nung nasa tummy ko pa si baby at nagugutom ako, sinasabi ko nalang sa kanya na pag lumabas na sya at magkawork na ko tapos nakain na sya food, kako di ko sya paparanasin ng gutom... Still thankful po ako sa dedeng pinagkalooba sakin... Dami pa ding nalabas na gatas kahit tinapay lang laman ng tiyan ko kahit minsan hapdi ng sikmura ko habang nagpapadede, go lang... Thank you po ulit 😭🤗

😟will pray for you and your baby. stay safe mommy I hope hindi na dumagdag Ang covid sa mga inaalala ninyo. nilagang/steam n pinatong sa sinaing na talbos ng kamote, kangkong, or malunggay tpos bagoong Ang sawsawan, madalas makikita lang sa bakuran ng kapitbahay, para d humina milk mo.. you're still bless paano pa kung wala kng milk. nakakaloka Pag anak mo n ang nagutom parang Ang sarap n bumitaw , mabait parin si Lord. Buti n lng at matyaga ka,.at maparaan, wag susuko mommy. . galing mo pa rin compare sa iba. may awa Ang Diyos makaka raos din tayo.

VIP Member

Update po kumain na ko 🤗 nakadelihensya si LIP ng gagawing sasakyan may uwi syang food. Yung para bukas naman iintindihin namin. God is good saka i believe din na everything happens for a reason... Salamat mga mommy. Hug ko kayo lahat 🤗 hindi ko alam kung anonymous ako kanina kaya di na ko mag anonymous ngayon. Super thank you sa prayers, advise and pagpapalakas ng loob. 😇

mommy ano gcash mo pra man lamg khit konti mka tulong saan kaba nka tira ? lage kasi madami food dito sa bahay namen at di naman nkakain napapanis lang dti nag bbigay ako sa mga bata kaso ngayon bawal na kasi lumabas kaya wala nako mapag bigyan bfeed dn ako prehas tyo .. na hurt ako sa sinabe mo kailngan nyo pa pmunta ngga bday mka kain lamg 😔 sana pagpalain kyo ni lord

🤗🤗🤗🤗

Mommy kaya nyo po yan same po tayo ng sitwasyon pero ang pinagkaiba lang nakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw kahit pasideline sideline lang si lip sa construction! keep it up lang mommy pagsubok lang to at makakaya nyo rin po yan kahit para nalang kay baby wag po kayong susuko soon mas ibibless din tayo ni god at mas marami pang blessings😊😉

Salute mommy! Swerte mo na lang din dahil may gatas ka yung iba pahirapan magkaroon ng gatas. Magtanim ka ng malunggay sainyo mommy para more more gatas kapa. GodBless you always mami 🙏🏻❤️

lahat tlaga halos naapektuhan ng pandemia. ako na hirap na dn mag work sa pagbubuntis ko pero pinipilit pa din para lang may maipandagdag sa sahod ni hubs. Laban lang mga mamsh strong tayo💪

laban lang momsh.. samahan din po ng dasal.. maswerte po kayo at madami kapa din gatas kahit wala na minsan kinakain... importante po hnd sakitin c baby at ikaw.. mahigpit na yakap po..

Laban lang po tingin nlng po tayu sa Good side ng buhay.. na mahirap man bless pa din po tayu khit maliit kakaunti tipid mahalaga safe at walang my sakit. God bless Pray always sis.

nakakaiyak 😭. laban lang sis. matatapos din lahat ng to makakaranas din tayo ng ginhawa at wala ng pangamba. kapit ka lang para sa asawa mo lalo na para kay baby. laban lang sis.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan