Hindi lumalaki ang aking baby bump kahit na nasa 11 weeks na ako. Dapat ba ako mag-worry?
Wala akong masakit na nararamdam sa katawan at di rin ako gaanong nakakaramdam ng sensitivity sa pagbubuntis (cravings, morning sickness etc.) kahit na di ako dinadalawan at positive ang pregnancy test results. #firstTime_momhere
Normal lang yan, Mii. Ako kahit four months ng buntis kasya pa sakin working uniforms ko, wag lang isasara ang zipper kapag naka-upo. During prenatal check-ups din pag tinatanong ako kung anong week na tiyan ko, naliliitan din talaga mga Midwife at Doctor. 2.8kg naman si Baby ng lumabas.
Ako nung nagbuntis din ako sa 1st baby ko this sept.2024 lang. wala din akong morning sickness, hndi ako nagsusuka, hilo, wala din akong cravings. first baby ko at girl sya. sabi ng ibang mommy normal nman daw yun pag 1st baby.
ako 6 mons lumaki ang bump. wag ka mastress sa bump mo mahalaga nagpapacheckup at nagpapaultrasound ka. tsaka normal na maliit pa talaga yan kasi nasa 1st TRIMESTER ka palang. depende din yan sa katawan mo
ako this week ko lang nalaman na buntis ako😅14weeks na ako nalaman ko lang na buntis ako dahil mainit ulo ko lagi sa Partner ko nag pt ako positive Akala ko 1 month palang going 4monts na pala
Normal 'yan. Saka lang lumaki tiyan ko nung 4 mos na ko pero di pa rin sobrang laki. Parang bilbil lang. Gano'n daw kapag payat tsaka maliit magbuntis.
hindi ko alam ha pero 20weeks na ako parang maliit pa rin tiyan ko, parang bilbil lang at pag busog saka lang malaki
ganyan rin po akin parang wala lang, nahalata na po yung tiyan ko pag ka 22 weeks ko po
ako 18 weeks na nung lumaki tiyan ko pero 17weeks pababa para lang ako may bilbil. ok lang yan
8 weeks palang ako Malaki na agad chan ko sabe nila baby boy daw ito
wait mo lang sis. pagdating Ng 5-6months nyan biglang laki tyan mo