Anong buwan po kayo bumili ng mga damit ni baby?

Wag daw bibili ng gamit ng baby hanggat mag 8 months. hello mga Mi. ask ko lang kelan kayo nakabili ng damit ni baby? ako kasi 5 months pero pa isa isang bili lang ung mga preloved baby onesie. sabi ng byenan ko 8 months bumili kasi may kasabihan. naiinis ako, bakit mo iisiping mawawala baby mo pag bumili ka ng damit ng maaga pa? kayo nga mommies ano pong masasabi nyo? excited lang naman ako sa 1st baby ko eh hehehhe

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

As early as 12 weeks nagstart na kong bumili ng baru baruan, pampers, baby wash. Paunti unti lang hanggang makumpleto namin. Now 30 weeks na ko almost complete na yung gamit ni baby. Ganyan talaga ang matatanda mi, kahit ang nanay ko ayaw muna ako pabilhin hanggang di pa 8 mos. Pinaliwanagan ko na lang na ayaw kong biglaan ang bili at mastress ako kakaisip kung kumpleto na ba kung kelan ako malapit na manganak. Reason ko na din yung gusto ko magfocus kay baby at sa delivery by my 8th month kaya maaga ako nagipon ng gamit niya. Wala na rin naman yan magagawa kapag nakabili ka na 😁

Đọc thêm
2y trước

❤️💕

hehe 16 weeks nag start na akong mamili. 24weeks na ako now and so far makukumpleto ko na ang kay baby at yung sa akin like underpads/adult diaper/nipplecream etc.. nag bibili kc ako ng mga nakikita kong sale. inuunti unti ko lang mamshie para pag may bonus si mister sa december ay hindi na namin magalaw. nagsimula ako sa white clothes ni baby hanggang sa diapers/wipes etc. nagtatabi ako lagi pag may sahod si mister at nagaadjust ako sa mga food namin hehe gulay gulay nalang muna 😅

Đọc thêm
2y trước

yes mamshie

Hala, may pamahiin pala pagdating sa ganyan? Minsan matatawa ka na lang sa ibang mga matatanda o sa mga pamahiin na ganyan, laging kontra sa gusto ng magulang. Pero practically speaking, ok lang naman na bumili nang mas maaga para hindi rin tayo mabigla sa gastusin, lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Swerte ka na lang din kung may mga pre loved items ka na mabibili o ibigay sayo nang libre ng iyong mga loved ones.

Đọc thêm

buti pala dito sa samin wala mapamahiin. mama ko, lola ko, byenan ko pinapabili na ako ng gamit habang maaga pa para daw hindi ako mabigla sa gastusin. Ang asawa ko ang ayaw pa muna bumili ng mga gamit gusto nya kasi malaman muna namin yung gender ni baby, gusto nya kasi color code hahaha

2y trước

sana all ganyan ang mindset ng byenan hihi. gusto ng mister ko mga kailangan ko muna daw ang bilhin like maternity dress, bra, lotion etc. 🤣

ako po naniniwala dn sa pamahiin n gnyan wala nman po mwwala kung susundin ntn o hndi pero ... pag nag pa ultrasound kna po at nlaman gender .. dun k nlng mamili ng mga gmit ni baby kaht paunti .unti pra hnd msyado mabigat pag biglaan... #ftm ♥️

Đọc thêm

sakin Po once na lng Po Malaman gender. sa shopee na lng me bili mga mura lng since mabilis nmn lalaki baby. it's up to u nmn mie, di ho aq naniniwala na sa mga kasabihan or pamahiin qng irrational namn Po or walang dahilan.

2y trước

haha parehas Po pla tau.

pa 7 mos na ako mi and ngstart na ako bmli this week .. mahrap kapag sa kabuwanan mismo e baka di inaasahan walang gagamitin si baby kapag pntagal ko pa

2y trước

online shopping lang ako mi sa shoppee mall hehe wala kse malapit na mall smen e ehehe

Ako mii di pa nakakabiki kahit isa😬🤭 sa 7 months ako mamimili para kasama ko ung asawa ko mamili pero ung iba bigay ng mga pinsan ko

Thành viên VIP

Delikado mi pag 8months ka pa namili. Pag bigla ka nag preterm labor (wag naman sana) kawawa si baby kasi walang kagamit gamit.

2y trước

yes mie bibili narin ako mga gamit ni baby @ 7 months unti untiin ko twing sahod hihi 💞

ako ni Isa Wala akong nabili 25 weeks na ko. problema ko nga kung ano ba dapat Ang bilhin na uuunahin.

2y trước

shopee is the key mommy! ☺️