Amniotic Fluid
Usapang PANUBIGAN O AMNIOTIC FLUID #NurseYeza, Paano ko po malalaman na PANUBIGAN o AMNIOTIC FLUID na po ang lumalabas sa akin at hindi po IHI ?? Una sa lahat,may tatlong uri ng FLUID lamang po ang pwedeng lumabas sa inyo mga sissy : 1. URINE o IHI 2. VAGINAL FLUID 3. AMNIOTIC FLUID o PANUBIGAN WHAT TO DO? Check the AMOUNT, COLOR and ODOR of the FLUID : ✅AMOUNT Kapag kaunti lang ang nakikita ninyong fluid sa inyong mga panty, malamang ito ay VAGINAL DISCHARGE o IHI lamang. Pero may mga times din na maaring ito ay amniotic fluid o panubigan na din. Kaya kung hindi ka parin sigurado, check the COLOR of the fluid. ✅COLOR 🔅Urine —- Yellow color 🔅Vaginal Discharge —- Clear to white and medyo creamy sya tapos parang kumakapal pag naipon 🔅Amniotic Fluid o Panubigan —- Clear o mas pale kaysa kulay ng ihi ninyo at watery sya ✅ODOR 🔅Urine —- Amoy ihi talaga sya at may amoy ammonia 🔅Amniotic Fluid o Panubigan —- Walang amoy o may kaunting sweetness ang amoy Kapag sa tingin ninyo ay PANUBIGAN na nga ang lumalabas sa inyo, mas maigi na pumunta na sa inyong Doctor. Keep Safe always mga preggy sissy 💕💕💕 CTTO #NurseYeza