Advisable bang magpahilot? 21 weeks at maliit ang tyan ko. Andami kong natanggap unsolicited advice

#unsolicitedadvice #firsttimemom Ang liit daw ng tyan ko sa 21 weeks. Dapat daw ipahilot ang tyan ko para lumaki ang tyan ko.

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako Mamsh maliit din styan ko tapos mababa noong 4 months dahil placenta previa . andami din na nag advice na ipahilot daw pra tumaas at lumaki pero sinabihan ako ng OB ko na wag ipapagalaw tyan ko. Sabi pa ng OB ko na pag ipinahilot ko at may mangyaring mali or hindi maganda sa baby hindi naman daw makaktulong ang manghihilot Doctor/OB din naman po daw ang makakatulong kaya mas better na wag nalang ipa hilot. Di ko sya ipinagalaw sinunod ko OB ko at noong nag 7 months tyan ko ini ultrasound ako ulit tumaas na daw c baby ng kusa at yung laki ni baby sakto lang tlga sa gestational age niya.

Đọc thêm