Pa rant lang ako mga mi.. Ako lang ba walang lakas ng loob magsalita o magreklamo sa byenan ko?

Una nun mga mi, nauna kase umuwi si baby ko after ko manganak and ako nag stay pa sa hospital ng 3days after giving birth kase kulang daw ako sa dugo. So yung partner ko bantay ko nun sa hospital, tas si baby naman byenan ko may bantay. Tapos after 3days nakauwi na ko, tas malalaman ko may pinainom na dahin ng gulay daw ata yun kase iba raw yung kulay ng tae ni baby, which is normal kase nga iba iba yung tae ng baby kase sinearch ko rin yun, okay naman normal naman daw. Nainis ako nun di ko alam kung bakit. And sya rin nagdecide ng gatas ni baby, which is bonna raw, eh sabi ko sa partner ko, bat ayun ang binili nya eh napag usapan na namin nung bago ko iabot sakanya baby namin is nestogen ang ipagatas. Ewan ko ba. Secondly, yung nagkasakit si baby ko, kung ano-anong gamot ang gusto ipainom ko, without prescription of my pedia, wala akong magawa kasi mapilit sya, pinainom nya ng gamot, eto naman si partner ang kulit din try lang daw muna namin, nagalit ako sakanya, as in. Tas inabot pa kami ng 4 days ata o 5 days bago dalhin sa pedia si baby, btw ubo at sipon sakit nya. Tas ayun niresetahan si baby ko, ayun umiigi na pakiramdam nya. Tas sinabihan nya byenan ko na di naman umepekto yung gamot sa baby namin na binigay nya, tas dami na naman nya say. Tas one time, sinisinok baby ko, eh sabi sakin ng pedia nun pag sinisinok ang baby pa burp lang nang paburp o hayaan lang kasi kusa naman mawawala, etong makulit kong byanan gusto nya painumin ko ng tubig, eh ako nainis nako sabi ko bawal nga po kasi up to 6months pa raw po pwede painumin ng tubig ang baby, gatas lang po talaga pwede sakanya sabi po ng pedia. Tas sinagot naman nya ko ng “ay bat ganun, bat nung panahon namin di naman ganyan” nakakainis lang mga mi. nakabukod kami nyan mga mi, sadyang dalawang bahay lang talaga pagitan namin sa byanan namin, and hopefully maka lipat na this year. Btw my baby is in 2months old now. Sana magkaroon na ko ng lakas ng loob 😞 nakaka stress sobra.

2 Các câu trả lời

Aww mommy, hugs! I feel you. Minsan ang mama ko din ganyan madaming say pero ineexplain ko nalang that’s not how we want to raise our baby. Or kaya hindi ganyan ang sabi ng pedia. Or sinasabi ko iba na panahon ngayon. 20-30 years ago na yun parenting na yun, marami nang nagbago. Your baby, your rules talaga kasi tayo naman ang mahihirapan kapag may nangyari sa kanila. Our boundaries should be respected by anyone na nagaalaga sa baby natin bukod sa atin ni husband. No one should insist their ways, parents dapat ang nasusunod. If nahihirapan ka sabihan si MIL mo, tell your husband to do it kasi after all mama niya naman yun. Para less conflict din sa inyo. Hayzt. Kailangan natin maging strong and firm pag ganito pero at the same time respect pa din natin sila hanggang sa abot ng makakaya natin.

iba talaga color ng poop ng baby pagkapanganak MECONIUM tawag dun. mahirap nga may kasamang masyadong dependent sa pamahiin. nanay ko rin ganyan mapilit naman sa bigkis pero nasasabihan ko sya. hanggat kaya mo paliwanagan, ipaliwanag mo sakanya dahil iba ang panahon nila sa panahon natin. ang dami ng new discoveries para sa health ng baby at mas laganap ang sakit ngayon. pag sabihan mo rin si hubby, para si hubby matulungan ka mag explain sa nanay nya

Kaya nga mi, sana magkaroon din ako ng lakas ng loob huhu. Mamaya kasi magtampo sila or what, sinasabihan ko rin naman right after si partner and sabi nya rin sakin na matuto rin daw kasi ako magalit, eh ang inaano ko baka magtampo samin.. Pero sinasabihan nya rin naman agad byenan ko, baka ako lang talaga ang mali. Sama kopa yung time na pagod at puyat kami ni baby, tas pg bibisita sya sa bahay tulog si baby, tas ako patulog palang, gagawin nya gigisingin nya si baby, nakaka frustrate sobra huhu. Kahit na sabi ko na kakatulog lang po nyan, sasagot nya saken dat di mo muna pinatulog, kasi pupuyatin lang daw ako nyan, eh ano gagawin ko nag iiyak baby ko at inaantok na, sino susundin ko sakanilang dalawa. Manifesting talaga na maka lipat na this year🥲

Câu hỏi phổ biến