Help meeee

Un baby girl ko turning 3mos sa July 2. Sobrang iyakin niya pag dinadala ko sa in laws ko nangingilala na at ayaw pabuhat sakanila. Talagang pumapalahaw ng iyak. Naaawa ako kasi pulang pula na talukap niya kakaiyak. :( marami kasing tao sa house ng in laws ko si baby hindi sanay sa matao at maingay na lugar. Palagi kami naiiwan 2 dito samin at ang tahimik dito kaya nasanay na siyang ganon. Hindi naman kami pwede mag stay sa house ng in laws kasi medyo delikado dahil ang business nila ay babuyan sa palengke. In short exposed sila sa tao.. nag visit din kami sa mga pinsan ko nun nakaraan nag iiiyak na naman siya pag binuhuhat nila.. what to do? Huhu sabi ng iba ilabas ko daw umaga or hapon lakad lakad kami para may nakikita siya ibang tao ayaw naman ng papa at asawa ki dahil natatakot sila dahil nga pandemic. Sinasabe nila “ganyan talaga ang bata. Alangan naman ilabas labas mo yan” pero kasi iniisip ko habang lumalaki siya nagkakaisip lalo siyang magiging iyakin. What to do momshies? Any suggestions? May same po ba case dito? ##firstbaby ##pleasehelp ##advicepls #plsrespect

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas magandang hindi ilabas labas ang bata lalo na pandemic. okay lang na hindi nya gusto ang ibang tao. Yung anak ko sanay sa tahimik at ayaw din nya sa ibang tao lalo breastfed baby sya laging ako lang ang pwedeng humawak sa kanya, hanggang sa tumagal mga 8months ganun, nahihiram.na sya ng mga inlaws ko. habang lumalaki nagiiba naman ang ugali ng bata. Wag mo pangunahan na magiging iyakin paglaki. he is now 7years old, hindi naman iyakin. Mas may good benefit yung di ko sya masyadong nilabas labas at inexpose sa iba dahil mas cautious sya sa ibang tao which is maganda kesa kung kani kanino lumalapit.

Đọc thêm
Thành viên VIP

may iyakin na baby meron din naman hindi. pero sigurado ako na lilipas din yan. tama din naman sabi nila na ilabas labas mo nga naman kahit hanggang gate lang ng bahay nyo basta wag lang lalapit sa ibang tao.. maigi din na habang nasa bahay nyo kayo patugtog ka para naman masanay sya sa ingay

Uppp

Upp

Upp

Upp