Asawa mong tamad
Ugh! Sobrang tamad ng asawa ko. Gusto ko nalang maiyak sa pagod at awa sa sarili ko. Hindi ko na alam talaga. Mababaliw na ako. 😭😭😭
Naku ganito din ang partner ko. Napakatamad magtapon nlng ng wrapper ng chichirya di pa magawa, pag utusan abutin ng ilang oras bago gawin, pag pauwiin kinabukasan na makakauwi. Puru tulog at phone naman kung andito sa bahay. Mahilig din magsinungaling. Kung anu anong dahilan ang sinasabi pag may kasalanan. Ang malala ako pa lahat gumagastos sa pagbubuntis ko, ultimo pangyosi nya sakin nahingi. Ako ata ang lalaki sa relasyon namin kasi ako lng nagtataguyod samin. Ang parents naman nya lagi sinasabing walang pera, kahit gamit ni baby wala man lng ni isang binili. Minsan gusto ko na lng din maging single mom.
Đọc thêmGanyan din asawa ko before. Cguro kasi sinanay ko din, pero palagi ko sya kinakausap na kailangan ko din ng tulong nya. Wag mo lang awayin momsh. Kausapin mo lng sya ng maayos. Ok naman na yung asawa ko ngayon. Laylo na sa barkada, taong bahay nalang at focus na samin ng mga anak nya 😊 wag mo lang po sukuan momsh. And lastly, wag mo bubulyawan 👍😊
Đọc thêmHindi naba madadaan sa usap sis? Pag hindi na, batuhin mo ng tsinelas haha charot or patayan mo ng wifi kung panay ang cp. Kamo sis, “Anak ka ng tokwa oh, mahiya ka naman sa parents ko aba! Kilos kilos din.” Haha cheer up sis, take some rest. Stay safe 💖
tamad po mommy in what way mommy? ngaun pa lng mommy nakikita nyo na po ang personality ng mgging tatay ng anak nyo po .. kausapin nyo po hubby mo mommy and ipa intindi nyo po sa knya na mgging tatay na sya. goodluck mommy!
Sakin den puro cp, mag 7mos na ako puro ako gumasgastos sa bills sobrang napapagod na ako gusto ko na magpahinga 😢
Ganyan din bf ko before pero di ako pumayag na mag isa kami ng tirahan kasama parents nya. Hangang tumatagal nagiging responsabli sya at nakikita nyang kailangan nya talaga kumilos.
ngplano n kmi bumukod nawa next month mkabukod n khit pandemic, pinush ko talga...
Ganyan rin boyfriend ko sis, manganganak nako wala parin. Lahat inasa namin sa pamilya ko sila lahat gumagastos. Tapos yung sa side nya wala manlang natulong🤦♀️
Same, Kinakabahan ako na baka pag nanganak ako, ako den gagastos at nga nga sa knya :-(
talk to him sis. may ibang lalaki talaga ang tagal mg sink in na di na sila single. may iba din di talaga mg sink in. paganda ka sis. 😀 asikasuhin mo sarili mo.
Or minsan late receiver parang yung partner ko. 45 years bago magsink in na may inutos pala ko.
Laban lang sis, kausapin mo ng maayos pag wala parin iwan mo muna. Para matuto🤔
Yung hubby ko nakakaramdam naman, kapag sumisimangot na ako siya na gagawa ng iba
Wag ka magluto sis yaan mo sya magytom tingnan mo kung di kumilos yan ahha