Hi mommy. Ishare ko na lng itong comment ko recently sa isa pang mommy. Sana makatulong ☺️ 1 - Huwag sanayin sa maalat at matatamis na pagkain. Iwasan ang junk foods at chocolates. At around 1.5yo pinayagan na namin sya kumain ng junks and chocos, pero minsan lang and we make sure he drinks lots of water during and after eating. konti lang din nakakain nya at usually sya na rin yung kusang umaayaw agad. 2 - Sabayan nyo sa pagkain. Mga copy-cats ang mga baby natin, kaya gagayahin nila yung nakikita nyang ginagawa natin. 3 - invest in a high chair, and let them try to eat by themselves-- playing and experimenting with foods. Super messy, need lots of patience pero curious lang din talaga sila. 4 - WALANG SAPILITAN. Pag nagoffer ako ng new food at ayaw nya itry, iiwan ko lang sa plate nya. Eventually ay maku-curious syang tikman on his own. Kapag hindi nya nagustuhan, huwag pilitin pero keep on offering sa ibang pagkakataon ☺️ Normal lang na hindi nya magustuhan ang bago sa panlasa nya kahit upto 10x mo na itry, basta keep on offering. Hindi dapat nya maincorporate as a traumatic activity ang meal times. 5 - Encourage and offer lots of praises kapag kumakain sya. 6 - In SOME instances na super busy sya with playing at ayaw nya kumain, iuupo namin sya sa high chair and let him play there habang sinusubuan na lang namin sya (since normally ay kumakain na talaga sya mag-isa) 7 - Build a routine/ schedule kung kailan ang eating time nya. Huwag pakainin ng something heavy kapag malapit na ang meal time. 8 - Offer a variety of foods-- fruits, veggies, ulam, kanin, oats, etc... Iba-iba dapat dahil kapag paulit-ulit ay madali rin makasawaan. Try offering din in other forms and texture. For ex. potato-- try it boiled, mashed, fried, etc... hiwain ng pahaba, flat, cubes, etc... Ganito po ang ginagawa namin since 6 month old si baby until now na 2yo na sya. Magana po sya kumain at hindi pihikan, although may times pa rin na tinotopak 😅Mahabang pasensya at disiplina (sa atin bilang mga magulang) din po talaga ang kailangan. Good luck, mommy.
Maria Stefanie Sumalapao