Cold

is it true po na kapag uminom at kumain ng malamig lalaki si baby sa tummy?

74 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hindi sis. nung pregnant ako lagi cold drinks ko even yung milk. ang mainit na tubig ko lang ay pangtunaw ng powdered milk tapos cold na ilalagay ko pangpuno. paglabas ni baby at 37wks 7 days, 3kg cya or 6.6lbs. checked din kay OB yun during pregnancy ko and cleared naman ang cold drinks.

Influencer của TAP

Big myth.. Mas refreshing nga uminom ng malamig kasi ang body temperature ng buntis ay mas mataas kesa sa normal body temperature ng isang tao.. You need a way to cool yourself down, specially on this kind of weather we have here in PH

may kasabihan po na ganun, pero tanong po kayo sa OB nyo. Sakin kasi dati sabi ng OB ko wag daw po mag malamig masyado lalo na pag malapit na manganak. wala naman po masama sumunod basta sa kalagayan natin at ni Baby ;)

Thành viên VIP

hindi totoo. lalo ngayon mas masarap kumain at uminom ng nalalamig. halo halo, ice cream, ice candy. mga perfect kainin sa summer. ok lang yan as long as walang advise si OB mo na wag kumain ng ganyan

Hindi naman siguro... Panay halo halo nga kinakain ko nung buntis ako kasi sobrang init... Hindi naman siya lumaki... Ang liit nga lang niya nung inilabas ko... Wala pang 3kg...

Hindi lalaki pero pag lumabas sya sayo may kabag sya. Kaya iwasan mo na umiinom palagi ng malalamig ok lang kung minsan wag lang palagi

Hindi po. Mahilig ako sa malalamig lalo na tubig nung tag-init pero sakto lang laki ni baby as per my OB based sa ultrasound. 😊

Not true. Walang kinalaman ang temperature ng pagkain sa paglaki ni baby. Sugar/sweets ang dahilan kaya lumalaki si baby.

Thành viên VIP

Hindi po. Naku mommy, iwasan mo malalamig kasi nakakalaki ng tiyan mo kapag nanganak ka na. Been there huhuhuhu

Thành viên VIP

No po.. nung buntis ako pinaglihi ko c baby sa ice at halo halo.. hindi naman sya lumaki.. 😊