Baby heartbeat
True ba mga mi na kapag 140 up ang hesrtbeat ni baby girl at pag below 140 boy sya? Kayo po po heartbeat baby nyo at ano gender? Tia#pregnancy #pleasehelp
Sa akin po hindi sya totoo. Gusto ko po kasi ng baby boy kaya nung unang ultrasound ang heartbeat ng baby ko 141bpm , tapos pangalawa sa fetal doppler 153bpm, 151bpm and 153 bpm kaya akala ko po baby girl sya. Sa last ultrasound ko ngayong june Gender reveal na rin po kami and it's a boy. Kaya wala po yan sa heartbeat ni baby 😅
Đọc thêmTumataas o kaya bumaba ang heartbeat depende sa activities ni baby sa loob ng tyan kung malaro siya paikot ikot tataas ang heartbeat niya kung tulog naman bababa yon basta nasa normal range ang pagbaba at increase At btw Hindi yan dahil sa Gender.
May nabasa nga din po akong ganyan pero di ko sure kung true sya talaga. Baka coincidence lang din kasi sa second child ko more than 140 and girl nga sya. Mas accurate pa rin po ang ultraaound. 😉
nag babago naman po yang heartbeat kina tagalan mataas nga heartbeat ni baby ko lalake kikita ko lang sa sarili ko na papangitan ako sa sarili ko at na pupuna nila na haggard ako ngayon mag buntis lalake
unang pa-trans V ko, 165 bpm. 2nd naging 148. tapos sa pelvic naman 145 and yung last is 144. baby boy po sakin :) currently 31weeks 🥰
oo , kase ako chineck ng ob ko heartbeat ni baby ko 147 and then after that nag paultrasound ako 157 naman then sabi sakin it's a girl daw. ☺️
First ultrasound ko 142bpm baby namin , 2nd 160 3rd ultrasound 152bpm.. and its a boy :D d po totoo yung basehan sa heartbeat.
yung sa akin 153 hb nya pero di ko pa alam gender im hoping & praying na baby girl kasi may bebe boy na ako❤️🙏
154bpm ang sa min and baby girl. 😊. di po ako sure kung totoo to. pero maigi pa rin na magpaultrasound. 😊
nung nag pa ultrasound ako, 19weeks and 5 days. 160 heart beat ni baby. Gender nya po baby girl😊
aging fine like wine