Pinaglihi sa chocolates
Totoo po ba na pag mahilig ka sa chocolates nung mga panahong naglilihi ka, magiging maitim si baby paglabas?
Hindi naman daw po genes pa rin daw.. kaso weird lang kase ung kapatid ko saka ung tatay ng anak nya maputi, pamangkin ko napaglihian sa Zesto Choc-o ayun maitim nga sya.. ganun dn ung isa kong pamangkin morena naman ung isa. magtataka na tlg ko pag ung baby ko maputi,kase ako morena at maitim pa asawa ko ah. Haha basta importante safe at healthy c baby ano pa man ang kulay at kasarian.
Đọc thêmNo. Myth po yan. Ndi lang naman sa kinakain nababase ang magiging kulay ng bata. Genetics and other factors po. Ingat lang sa pagkain ng chocolates para ndi magkadiabetes. Pag nagkacomplication ka during pregnancy like diabetes,baka maCS ka. Ang hirap nun.
Hindi sya momny. Sinabi at inexplain ng ob ko yun. Nasa lahi daw yun kubg maitim ka may possibility na maitim din baby mo pero kung maputi kayocparehas mag asawa tas maitim si Baby deoende sa side nyo kung sino ang maitim. 😊
Kasi pwedeng sa side ng hubby or ikaw may natural na maitim na balat. Kasi tinanong ng asawa ko yun sa ob kasi ayaw nya ako ipainom ng gatas na chocolate or kahit anong maitim na foods tas yun nga inexplain ng ob ko. Kaya ngayon okay ba sa kanya.
Hindi mamsh. Kung totoo to iiyak ako hahah lahat ata ng maitim pinag lihian ko.. 😣😂 pasas,prunes and pati itim n mushroom..nahiljg din ako sa multo n itim sa utube. Tarages haha ang weird pag buntis
no momsh.. di rin kasi ako naniniwala sa lihi... pero nung buntis ako kumakain ako ng dark chocolate bcos i sweets at okay po kasi sa katawan ang dark chocolate.. maputi naman si lo nung lumabas.
Hindi daw po. Pero baby ko maitim haha papa nia kse maitim din. Nung buntis ako anmum choco everyday tas lahat ng klase ng chocolate pang himagas araw araw un wlang palya 😅
Hindi po, si baby ko sa champorado at dinuguan ko pinaglihi, nahilig din ako sa chocolates pero maputi pa din kase maputi kami mag asawa. 😁
Ayoko sana maniwala. Pero naglihi ako sa chocolates and champorado. Maputi kami parehas ng hubby ko. Lalo na ako. Pero maitim si baby. Hehe.
baka po may maitim sa member ng family nyo pwdeng 3rd generation .. ganun daw po kasi yun e
Lol of course not. Hehe Ang naging effect ng pagkain ko ng chocolate nung preggy ako hyper baby ko.
not true po, ganyan din ako nag lihi chocolates at inihaw.. hehe d naman po maitim c baby ko 😁
mom of a bouncing baby boy