Ask the Expert: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon

Topic: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon Date: Thursday, December 14, 2023 Time: 1:00pm to 3:000pm I am Dr. Jasmin Suleik, a General Practitioner of KonsultaMD narito matulungan kayong mga Mommies, Daddies, Parents to guide you in making sure baby is kept healthy and protected sa kumakalat na virus tulad ng pneumonia. At anong gagawin kapag siya ay nahawa o nagkaroon nito. Sasagutin ko ang mga katanungan ninyo ukol sa: Symptoms and Signs of Pneumonia in Babies Difference between Pneumonia and the Common Cold Remedy for Common Cold Remedy for Pneumonia When to Bring Baby to the Doctor When to Rush Baby to the Hospital How to Prevent Baby from Getting Sick ASK your questions and we will answer you here in the Q&A comment section below. #AskTheExpert #AskTheExpertPH #theAsianparent

Ask the Expert: Proteksyon ni Baby Laban sa Ubo't Sipon
80 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello po doc, anak ko pong 4yo madalas may sipon tapos naririnig ko po pag natutulog sya bukod sa paghilik, may iba pa pong tunog sa paghinga nya like parang hinihingal. Pina checkup ko po sya nung nakaraan at may niresetang gamot para sa hingal at tinapos namin yung pagpapainom non pero meron padin ganon sa paghinga nya. Ano po kaya yun?

Đọc thêm

For buntis naman po doc, tanong ko na din. Ano pong pwedeng gamot sa sipon at ubo na safe sa buntis? Advice ng OB ko dati Calamansi Juice or Lemon then pag iinom kang water yung warm. Mas matagal lng gumaling kaysa sa gamot pero yun ang safest way. Also may negative effect po ba sa baby ko saw womb na nagkaroon ako ng ubo at sipon?

Đọc thêm

Dra. Gano po katagal bago maging ubo ang sipon ni baby? I have 2 months old baby and may sipon sya ngayon nilagnat po kahapon taas baba and hanggang ngayon po. Salinase and cetirizine ang ginagawa ko po sa kanya. Iniiwasan ko po na mag turn into cough yung sipon nya. Gano po kaya katagal iyon? Thank you po.

Đọc thêm

Question po?. Ano po nagiging cause ng pneumonia?. Kasi ganun ang lagi ko nakikita pnopost sa fb ang sakit ng mga babies lalo na sa mga new born, halos ang mga baby ng mga kakilala ko ganun yung sakit nila. At yung iba yon pa nagiging cause ng death nila. How to prevent po kya?. Nakakatakot po kasi.

Doc kakaantibiotics lang ng anak ko a month ago sa ubo nya. eh nahawa nanaman sya. so far Ambroxol pa lang kmi as per pedia. pero i have a feeling na eventually ipagaantibiotic sha dHil may naririnig akong wheezing and napapansin ko nagkakamot sya ng tenga. safe kaya na palagi sya naka antibiotic?

On/off fever ng 3 yrs old ko tapos ang tigas pa ng ubo minsan kung lumuluwa may halong maliit na dugo na. Pneumonia po kaya to? 1 week na on/off lagnat nya. Pina check up ko na the other day pero ganun pa rin kaya babalik ako ulit sa pedia ngayon kasi sa CBC nya okay naman.

hi doc. ask lng po d po related sa ubo at sipon ang tanong ko.. ask ko lng po sana if normal po sa 1month and 21days old baby na umire ng umire at utot ng utot kht d nmn nadudumi at normal lang din po ba na once lng po sia mag dumi every day?

9mo trước

ganito din baby ko

Yung toddler ko po doc, pag umuubo bigla naman niyang nilulunok yung plema. Hayst! Parang di niya magets yung dapat iluwa kahit tinuturo namin. Bumabalik nanaman ba sa lungs yun? Parang effective naman kasi yung Mucolytic na sa pag improve ng plema niya pero nilulunok naman :(((

baby ko po may ubo pero walang sipon. Nakitaan po sya na may tumutunog sa likod nya ( check up nya lang po kanina). 7days na po kaso ubo ni baby now lang po na check upan kasi panay ulan po dito samin. papano po maiwasan mag kasakit po si baby? 2months palang po sya

12mo trước

thank you po doc

Doc Jas di naman po nilagnat ang anak ko. Energetic naman sya. and Malakas gana sa pagkain. pero 2 weeks na po yung maplema nyang ubo. so far naka ambroxol at ventolin nebulizer kami. okay pa ba sya? bakit ang tagal lagi gumaling ng ubo? 2 years old po

Đọc thêm
12mo trước

Pag ganito po katagal na plema, mas mainam po na magpakonsulta na po in person sa doctor para mapakinggan po yung baga. Posibleng allergic cough lang po, hika or ibang condition po kaya importante pon ipakonsulta na sa doctor.