yan ang dilemma ko nun bago ako magwork. so nagsearch ako at comotomo ang best review so yun ang binili at ayaw ni baby. di rin nya gusto ang tommee tippee, avent, hegen, dr.browns, lahat na ata tinry ko nun pati yung pinakamurang bottle except pigeon. so ang ginawa ko dahil frustrated na ko talaga dahil 2months, papasok na ko need ko na itrain si baby nun magbote, nagtanong ako sa mga kapwa ko nanay na nagpapasuso at nagpapabote rin and they recommended pigeon.
dun sa pigeon ang kinahiyangan ni baby ko since tugma sya sa shape ng nipple/areola parang triangle kasi. pero sa 1st day na wala ako sa bahay, nag hunger strike nun yung baby ko sobrang konte na halos wala raw nababawas sa bote and yung duaper nya nun sobrang halos walabg laman at concentrated ang wiwi. nastress ako habang nasa duty that time. pero eventually nagutom ata ng sobra kaya natutunan nya dumede sa bote (with stored breastmilk) narealize ata ng baby ko nun na need nyang dumede talaga pag wala ako kundi magugutom sya kaya nung 2nd day nun, malakas na syang magdede 😅 until now na 11months old na si baby wala na kami naging prob sa pagdede nya. bote with bmilk pag nasa work then breasts ko pag nasa bahay naman ako. need lang nila masanay talaga. sa umpisa may resiatance lalo pag nasanay sila na breast everyday ang nilalatch.
Đọc thêm