yan ang naging problema ko nung nanganak ako sa public hndi ko mapa breastfeed ang baby ko dahil inverted nipple ako hndi sya makadede ng ayos sa nipple ko nauwi sa swero tuloy dhl muntik madehydrate tpos ayaw pa kmi idischarge hanggat hndi ko napapa breastfeed hanggang na istress ako at nagka high blood ako sa sobrang pag iinsist ko padedein baby ko kht hndi nya masipsip wala syang makain nangangayat na sya unti unti ginawa ko pinump ko manual yung lumalabas na milk tyagaan ko pinatak sa bibig ng baby ko, at isa pa pinagawa sakin ng nurse binigyan nya ako ng malaking syringe,pinahila sa akin dun ung nipple ko kht masakit ayun tumulo ng tumulo ung gatas kaso ang prob nga hndi ma latch kc inverted ang nipple hndi kc nakausli sa worry ko nag waiver na lang ako at nilabas ko baby ko sa ospital nakipag away ako sa doktor bwal kc bottle feed duon hehe. .so sad 3 days lng sya nagbreastfeed sa akin. .
Flat chested din ako pero proud ako na marami akong milk Hanggang Ngayon 2 yrs and 7 months na si bunso nadede parin. nung buntis ako Iniinom ko lang M2 juice na nabibili sa Chooks to go hinahaluan ko lang iyon Ng milk lasang milk tea. hanggang sa manganak ako iyon Ang iniinom ko kapag Wala naman stock Ng M2 juice Milo naman Ang iniinom ko. masasabaw na ulam . sa una masakit at mangangapa kapa hayaan mo lang si baby ipasipsip nipple mo sa kanya masasanay din si baby sa pagdede sayo
pasipsip mo po muna kay mister, kung wala po si mister, punasan niyo po ng maligamgam na tubig ang breast niyo bago magpadede, basta tuloy tuloy niyo lang po magpabreastfeed. ako flat chest din po ako si lo na sumisipsip dahil lakas niyang dumede tas una palang alam niya na sumipsip hehehe
massage mo momsh ung breast mo from outer part paikot hanggang mapunta sa areola.. ako momsh 3months na si baby nung naglatch.. ang ginagawa ko pinapanganga ko syang maigi para covered ang areola para hindi masakit ang paglatch nya
look for breastfeeding expert sa lugar nyo momsh, they can help po😘