Food aversion
May tips po ba kayo for food aversions? Wala po akong gustong kainin at konti lang po kinakain ko kung may magustuhan man. Sana may makapansin im a first time mom at suka ako ng suka. #earlypregnancy #advicepls #pleasehelp #pregnancy #foodaversion
Fruits, biscuits, tinapay na lang po momsh tsaka inom madaming tubig. Ganyan po talaga eh dumadaan talaga sa ganyang stage. Ganyan din ako nung 1st trime. 2nd trime na bumalik gana ko sa pagkain. Ang importante wag mo po kalimutan inumin yung prenatal vitamins mo para kahit hindi makakain maayos may vitamins baby. 😊
Đọc thêmnaaalala ko lang during my early pregnancy . Lagi akong walang ganang kumain kasi nadduwal ako. Pero lagi akong gutom na gutom. Kaya ginagawa ko kakain ako pakonti konti tapos papahinga, konting concentrate para hndi ko maisuka yung kinain ko 😂 tapos kakain ulit hahaha skl
Ganyan din ako sa first bb ko mommy. nakapasilan sa loon ng 3mons pero kumakain parin ng kunti kahit pagkatapos ay isusuka ko lang. Feeling ko normal po magganyan kasi nga buntis pero kumain ka po ng milk, kahit bear brand po.
ako man bumawi sa tubig nung time na yan hehe. kaya mo yan ate, basta kumain ka lahit konti, kayanin mo kasi my baby na sa tyan. sa second trimester sana makabawi ka na ng kain, ako panay kain na ngayon. hahaha ingat ka po.
ganyan din ako during my first trimester mommy. since ecq that time hindi ako nakapagpacheck agad. inom lang madaming water at kain sa tamang oras kahit onti para kay baby. thanks god normal naman si baby.
same tayo... gatas lang talaga pag di ko gusto ang food.. bawas oily foods and sour foods. kahit onti2 lang na food okay na yun basta hindi ka lang magutuman.
ganyan ako noon mula 4months pagdating ng 5 at 6 months medyo bumalik appetite ko. naga ice chips ako for nausea para dia ko sumuka
Stay hydrated mamsh pwede ka mag skyflakes muna 😊 o kaya kung ano yun natitipuhan mong kainin yun muna.
Fruits nlang po momsh like saging, mangga, etc mas healthy pa 😊
Nung napagdaanan ko yan momsh scrambled egg lang bestfriend ko 😅
Dreaming of becoming a parent