Consult to your OB din po, para maresetahan ka ng gamot.. and you can try: Watermelon, Hinog na Papaya(sapat lang, baka kasi magtae ka kapag dami kain), Peras, Almond (13pcs only a day), Sweet potato, Kalabasa, Gulay, fish, iwas muna meat lalo na sa gabi, and more water ka po.
Hi momsh, nagka constipation din po ako nung mga 13 to 15 weeks ko. Try nyo po uminom ng Anmum Vanilla or Bear brand swak. Tsaka more fruits po like watermelon, apple, oranges, berries. Tapos gulay ka po muna para di po ikaw mahirapan mag poops.
hi mi, more veggies and fruits po lalo na papaya & more water nakatulong sakin yun para mabawasan pagiging constipated. if hirap akong mag poop umiinom ako ng dulcolax pinaka safe naman daw yun na pampadumi sabi ng OB ko.
Wala pong tips for today dahil kanya kanyang pagbubuntis,kanya kanyang cravings din po yan. Kung ano pong pasok sa panlasa mo,ikaw lang makakaalam niyan. Kung anong kaya mong kainin ikaw lang din makakaalam nyan.
Five months preggy here. Ako , naging constipated lang nung niresetahan ako ni doc ng gamot then sabi niya palitan niya kung di ko hiyang, ayun naging okay bowel movement ko after ko magchange ng gamot
Oatmeal,watermelon,foods na masabaw like sinigang,tinola,nilaga etc. iwas muna sa dry foods. More water. Pwede mo din i-try yakult.
More fluids po and fruits. Try nyo din po yakult if keri ng panlasa maganda din ang yogurt.
Pineapple, ripe papaya, yung madudulas na veggies like saluyot, more mooore water
natry ko yan mommy. more water lng po ako mejo nakakaraos naman po
Prune juice din po every morning super effective po pampatae.
Del monte po with folic acid 😊