14 weeks preggy na pero wala pa din gana kumain. Normal poba ito? Na kahit tubig nalang isusuka kopa
Thank you sa sasagot momshies
Take a small frequent amount of food po. Imbes na 3 meals a day dapat po 4-5 meals na po. Wag po kayo magpakabusog mmy pagkumain kayo or feel niyo nagugutom kayo. Pakonti-konti lang muna. And warm water inumin niyo. Magtry din kayo inom ng kalamansi juice. Wala din ako gana kumain whole 1st trimester ko hanggang 2nd tri medyo malakas lakas na ako kumain kaso may pagsusuka pa din. Try niyo po mga maalat na foods but in moderation. Kasi sa part ko yung nagpagana talaga sa pagkain ko is itlog maalat.
Đọc thêmI feel you mamshie. Ako 10w now and wala pa ring gana. Kinakausap ko si baby na need namin kumain so need nya sabihin sakin if may gusto sya kahit ano pa yan. O hnd kaya pag dinner time ssabhn ko wag nya isuka kasi its for us. Need namin maging healthy. Sumusunod and nakikinig naman si baby. I get to eat when I talk to my baby.
Đọc thêmmga sabaw sis.. ung mga hindi masyado maalat at mamantika.. 14 weeks din aq ngaun.. puro sabaw ng nilaga ang ulam ko.. tsaka mga gulay na steam lang.. like carrots,brocolli,petchay,patatas, nilagang itlog.. basta ung mga walang amoy at medjo wlang lasa.
Need niyo pong kumain kahit papaano maam kasi po walang makukuhang nutrients si baby. Trial and error lang po, iyong iba po buko juice or pocari sweat ang iniinom para po may lasa
11 weeks, kanin halos ayaw ko. isinusuka ko. ang dami kong ayaw na food. 🥲 puro lugaw at champorado lang tas mga prutas.