Team November
Hello team nov! Anong mga nararanasan/nararamdaman nyo now? #advicepls #firstbaby #bantusharing #FTM #team_November
Hi November mommies! Sa second trimester namin ni baby, madalas ako sakitan ng ulo, yung likod ko den madalas masakit. Hirap den humanap ng comfortable na position sa pag higa at minsan masakit ang puson. Every time na nag wiwi ako, lagi ko inoobserve ang discharge ko, laging may kaba.. Praying na malampasan namin to ni baby at iprotect kami ni God until makalabas si baby.. sa inyo din po 🙏🙏🙏
Đọc thêmDi po ako ang nagtanong pero salamat po sa mga sagot mga mommies. Lahat po ng nararamdaman nyo nararamdaman ko din, kala ko ako lang, nagwoworry ako dhil low lying placenta si baby. Simula magsecond tri, sumasakit ulo ko, may kirot sa boobs, puson, tagiliran at minsan sa pempem. Masakit din ang lower back ko at tailbone (basta bandang pwetan).
Đọc thêmSame po
okay naman po..medyo nasakit lang ang ulo minsan.hirap makatulog ng maaga dahil mahirap mghanap ng posisyon..hindi nadin ako masyado palaihi.hindi rin ako kain ng kain kasi hnd ako masyado nagugutom..hindi ko alam bakit naging ganun pero wala naman spotting.yung breast medyo tender padin.
masakit likod lalo na pag naka stay lang sa isang posisyon.. hirap din humanap ng tamang posisyon eh kasi db sabi mas safe daw sa left side kaso ngalay tlga 😅tapos nagigising din sa gabi kapag naiihi parang punung puno😅 taz babalik sa pagtulog pero hndi na makatulog
no morning sickness or paglilihi until now :( gutom lang mayat maya. is this normal po? team November and FTM here
Yes po. No worries po mommy kasi iba-iba naman po tayo kung paano magbuntis. May mga pinagpapala lang po talaga na hindi maselan magbuntis ☺️ basta po magpa check up lang po on time kay OB para namomonitor si baby. Kay Ob lang din po tayo maniniwala, wag sa mga sabi-sabi.
Hirap sa position pag tulog , palaging parang puno yung pantog , meron parang natusok tusok sa inyo rin ba ?
Same po lalo po pag iihi na may natusok pero mawawala rin po
Ang dami ng nangyare. Pero Praise God at nakakasurvive kami ni baby 🙌🏼
Ayun masaya kase 2nd tri na nkkranas pa din ng sakit ng likod at tagiliran huhu
Normal lang ba na parang may naputok na bula or ewan sa loob ng tyan?
Akala ko ako lang yung sumasakit ang ulo. Pawala wala naman sya at tollerable din. Now 16w 3d. Ramdam kona din yung parang may gumagalaw sa loob tapos parang nakaka kiliti. Pag pinapakinggan ng partner ko yung tyan ko, galaw daw ng galaw sa loob hehe.
masakit po legs and binti ko saka sa may pwetan
#ReignKhaiO.Laroya #MyRainbowBaby???