pigeon brand
tanong ko lang po kung para saan po ito? may nagbigay lng po kase
Idinidikit po yan sa bra, para pag may leak yung gatas mo po iaabsorb nya. Minsan pag malakas yung gatas tumatagos sa damit. Maganda gamitin po yan pag halimbawa may lakad po kayo para di kita sa damit nyo yung basa sa bandang breast.
Ilalagay mo po sya sa bra para maabsorb nya ung mga let downs mo. Important po yan in case na lalabas ka ng bahay or may pupuntahan ka.
Breast pad po. Binigyan din ako niyan free sa hospital. Nagamit ko siya noon nung kapapanganak ko palang kasi naglleak yung milk ko.
Para sa nipple nyo po para hnd natutuluan Yung bra nyo po ng gatas.. Kasi maamoy Kasi tlga ung gatas ng Ina malagkit .
Breast pad po mommy. Pag naka bra po kayo nilalagay yan. Para yung mga tulotulo na breatsmilk jan napupunta.
Breast pads mommy.. Ilalagay mo po sa bra para diyan mapunta yung tumutulong gatas po😊
Pag nag bbreastfeed ka tapos nag lleak yung gatas. Yan yung gagamitin mo parang napkin.
Baka po may gusto sa inyo breastpad,ipamigay ko nlng.di ko na kasi nagamit. 50 pcs pa
Ako rin momsh hehe
Nursing pads po. Pang absorb ng excess breastmilk lalo kapag nasa labas or namamasyal.
Sa nipple po, para po pag may tumutulo ganun ilagay mo lang sa bra mo para di magleak :)
salamat sis😊
Excited to become a mum