Sobrang sakit ng singit

Hello! Tanong ko lang po kung normal ba na sobrang sakit ng parehas na singit, halos hindi po kasi ako makatayo at makalad sa sobrang sakit. Bigla nalang po sya sumakit today. 27 weeks na po ako ngayon. Salamat po sa sasagot. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Since nagstart yung 6mos ko mi sumasakit na singit ko. Sinabe ko kay OB advise nya is magsuot ng maternity belt. Nung nagsusuot ako nawala naman. Ngayon kaka 8mos may pmunta na manghihilot pinacheck ni mader kung nasa tamang posisyon na si baby. Nasa tamang position naman daw pero nakasiksik na sa puson ko pina angat nya ng konti gamit ng hilot ayun gumaan pakiramdam ko (if di ka naniniwala sa hilot no problem sis di naman lahat applicable yung hilot) Pero sabe nung kapatid kong nurse wag daw ako magpahilot at mag bedrest ako baka daw kasi overfatigue sa work at palagi akong 12 hrs naka duty. (banking industry ako nag wowork) Bali 8-8 ang schedule ko. Hatid sundo naman ako ni husband kasi nasakit na talaga yung puson ko kapag nagcocommute ako. If di mo kaya yung pain as per OB tell them po. Kung minimal lang naman at walang discharge or anything rest ka rin siguro muna mi

Đọc thêm
3y trước

wala naman po any discharge, pain lang talaga sa singit, sobrang likot din and active si baby.

same 16 weeks palang nung nag start sakin, nasiksik si baby don banda ang ginagawa ko is bedrest tas kinakausap ko si baby na umangat ng konti para maka kilos ako hahaha naangat din naman sya

3y trước

yun nga rin po yung sabi ng mga taga rito samin, nasiksik daw po sa may bandang singit kaya sumasakit.