0-3 Months Clothes
Tanong ko lang po gaano kabilis mapaglakihan yung 0-3 months na damit mula pagka labas ni baby? Mga more or less ilang weeks lang po niya magagamit bago mapag liitan? Baka po kasi maparami ang bili ko.
Yung sa baby ko 3 weeks nya lang nagamit yung mga baru baruan and 0-3 months na damit. Mag 2 months na si baby sa April 15, yung mga damit nya pang 3-6 months na
baby ko po 1month 2weeks, maliit na sa kanya mga 0-3 months. pagka2months nya for sure sa 3-6months na mga size ng damit nya 😅
ako sis konti lang pang new born ko more on 3 to 6 months na binili depende kasi lalo na kapag mabilis daw po tumaba ung baby
Mabilis lang po lakihan yan ni baby. Ung damit ng baby ko na 0-3 months di na kasya 2 months pa lang sya ngayon haha
yung sa baby ko sis 1month lang nagamit ung 0-3months nya na damit
mas ok of patatlo tatlo lng bilhin mo mommy