EDD. Base on my LMP May 10
Tanong ko lang po base sa mga experience nyo. Ano po mas accurate na edd? First Ultrasound ko May 11 po due date, second May 15, ngayon po nagpa ultrasound ako ulit kasi kung base sa first edd ko ngayong week na ako manganganak and ang lumabas na edd is May 22😅 Actually 3rd baby ko na po ito hehe first ko po kasi Edd nya August 26, lumabas sya exact date po talaga. Nag labas ako ng panubigan pero no contraction kaya induce labor. 2nd baby ko exact 41weeks sya lumabas. Normal labor, mucus plug with light blood, 37hrs active labor talaga. Anyway gusto ko na kasi makaraos, mababa na din kasi sya, sa kakalakad ko nung 6-7mos. pa lang tapos nag momotor pa kaya natagtag na talaga sya. Masakit na yung right leg and singit ko tapos ngayon di na ako masyado nag wawalking kasi parang sa pelvic bone ko na yung masakit, banda sa puson talaga, bawat lakad ko masakit kaya pinapahinga ko nalang sarili ko. Any tips para bumuka na cervix? Bukod sa insertion ng primrose, mag walking, squatting and inom pineapple, ano pa ginagawa nyo? Hehe

