Hilot sa buntis

Hi ? Tanong ko lang kung maganda ba mag pahilot ang buntis ? Ano po bang magandang benefits makukuha dun ? Kung ako po kasi ang tatanungin ayoko po talaga mag pahilot ng tyan ko, dahil di naman daw po ito recommended ng mga doctor pero pinipilit ng nanay ko, kesyo iaangat daw kasi tyan ko pag 5 months na ko .. May history po ako ng Miscarriage, at dahil po Yun sa UTI ko ( with records, at complete po ako ng check up at ultrasounds ), pero sinisisi sa'kin ng mother ko dahil daw kasi hindi ako nag pahilot noon kaya mababa daw matres ko . Nag away na po kami dahil dito noon, Please advice po .#advicepls

18 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Parang hinde safe. Kasi ididiin ung tiyan. Madiin ung pag pindot pindot. Baka lalo mapano si baby sa loob. Napaka lambot pa nila. Mamali ka lang ng hagod jan baka ano na mangyare. Tayo nga pag hinihilot masakit eh. Imagine mo ginagawa un sa baby sa loob ng tiyan. Tsaka baka sa sobrang hilot eh nagcause pa ng internal bleeding. Kumalas placenta or pumutok amniotic sac wala sa oras. Lalo na if maselan. Tsaka hinde rin ako agree sa pag ikot ng baby pag suhi. Paano pag me naka pulupot ung umbilical cord sa leeg, or paa or kamay. Tapos pwersahin mo ikot ung baby. Jusko napaka delikado. Dapat medically assisted ung ganyan.

Đọc thêm

Not sure sa benefits nun. Nagpahilot na ko dati, sinubukan ko lang kasi tinanong ako ng mama ko kung okay sakin yun, pero di pa naman ako buntis nun. Itataas lang daw ang matres para mabilis mabuntis pero hindi rin naman yun yung dahilan na nabuntis ako tsaka maayos yung ultrasound ko nun (nagpa-ultrasound ako kahit di pa buntis para malaman kung may concern sakin). Sa hilot kinakapa lang nila e tsaka madiin din kaya nakaka-worry pag buntis na. Siguro sa iba okay lang kasi expert naman daw at hindi maselan ang pagbubuntis nila pero paano pag maselan... baka it can do more harm pa than good.

Đọc thêm

ilang beses ko na po pinaliwanag na di nga po advisable ng doctor ang hilot, nag aaway lang po kami ng mother ko .. ayoko nalang po sya sagutin ngayon sa pangalawa kong pinag bubuntis pero sana habang di pa ko 5 months makombinse ko na sya na Hindi pwede lalo na at maselan kami ng baby ngayon , Nag spotting na po ako 2x sa pag bubuntis ko ngayon .. Kaya mas lalong ayoko mag pahilot, at natry ko na din po mahilot after ko makunan, yung dapat na pahina na Bleeding ko mas lumakas after mahilot ..

Đọc thêm
3y trước

hnd nmn masama ang pag hihilot kung marunong lang ang mang hihilut expert sa ganun kc ako pasalamat ako sa mang hihilut kc pra malaglag na ung binubuntis ko 1 month naa sa puerta na ung binubuntis ko sumasakit na ung pusun at balakang ko dali dali kong pinahilut sa awa ng dios na pataas nia kc masilan ang pag bubuntis ko sana babah tlga ang pinag bubuntis ko.pro pag d nmn mababa ang pag bubuntis ok lng n na hndag pahilut

hindi safe ang magpahilot, pwede madeformed ang baby or pwede ka magkaroon ng miscarriage. i have a 6month old baby ngayon, mababa din matress ko nung nagbuntis ako pero hindi ako nagpahilot, binigyan lang ako ng gamot ng OB ko na Nifedipine simula 5months ako hanggang nanganak ako gawa ng open cervix 1cm na ako. nagkaroon din ako ng miscarriage sa 1st ko. pag may naramdaman kang masakit like sa puson mo ganun punta ka agad sa OB mo. better be safe kahit magastos. iwas ka sa stress.

Đọc thêm

di po recommended ng mga Dr. yun pero di rin nmn po delikado kase hindi nmn po hilot na hilot parang itataas lang ng manghihilot ang puson mo iwas miscarriage naren po yun at pata po maikot niya si baby kung hindi pa naka pwesto, ng pahilot din po ako nung 7 months na tiyan ko para maikot niya c bby sa loob kase hindi pa naka pwesto eh para po hindi maging suhe (nauuna ang paa)

Đọc thêm
3y trước

inaalala ko po kasi ngayon, mas maselan ako ngayon ..

Parang di po safe lalo na kung may history po kayo ng miscarriage..sa kin nga din madami nagsasabi na ang baba daw ng tyan ko pero dahil di kmi naniniwala sa ganun pinabayaan lang nmin kasi healthy nman si baby sa loob.

sis di naman masama ang hilot kung marunong tlga ang manghihilot, tsaka ako sa unang pagbubuntis ko eh since 2 months alaga ako sa hilot dahil mababa matres ko. At Meron ngang nabubuntis dahil sa hilot.

Base lang po sa experience ng ate ko nag pa hilot po siya sa first baby niya before siya mag 3months then nung 3months na nakunan po siya. Hindi namin alam kunf dahil ba sa pag papahilot niya

Bawal po pahilot,, di po maitataas ng hilot ang matres, kc tlgang mababa po ang ating mga matres. nsa ibabaw xa ng ating bladder. kya bawal po pahilot, follow the doctors recommendation only

maniwala ka sa nanay mo if siya ang pinaka magaling na OB sa buong mundo 😂😂😂 if hindi maniwala ka sa OB na nag study ng ilang years sa health ang wellness ng buntis