bumukod ng bahay
tama po ba ang desisyon ng lip ko na bumukod po? manganganak na po ako. mag rerent sana kami ng apartment..yung mga magulang namin, ayaw sana nila bumukod kami kasi gastos lang daw. pero gusto na namin talaga bumukod. pero ngayun naguguluhan na kami kasi against kasi mga magulang namin. anong payo nio po
kung di ok yung environment nyo kasama ang parents and/or in-laws, better na bumukod na kayo. sa case ko kasi, bed rest ako ngayon and WFH pa kaya kailangan talaga namin ng ibang magaasikaso. ok naman relationship ko with in-laws kahit nakahiga lang ako most of the time, naiintindihan naman nila. at mas gusto rin nila na nandito kami kahit makapanganak na para may extra support. lipat nalang kami ng bahay pag medyo lumalaki na si baby
Đọc thêmbumukod kayo. mas maluwag pagkilos mo sa bahay at lalong walang araw-araw mangingialam sa mga desisyon niyong mag-asawa lalo na sa paano palakihin ang anak niyo. yan din kasi nakasanayan ng karamihan ng pinoy. di porket may magulang na sumusuporta eh sa magulang parin pipisan. may sarili ka ng pamilya, kaya matutong tumayo sa sariling paa at gumawa ng sariling desisyon. oo magastos pero part yun ng pagbuo ng pamilya.
Đọc thêmDepende po sa situation niyo. Kami po di pa bumubukod kasi kailangan ko ng help sa pag-aalaga kay baby pero parang nakabukod pa rin kami kasi may sarili pa rin kaming buhay na separate sa kanila. Di kami pinapakialaman. Pwede po kaming bumukod anytime pero para sa peace ng lahat sa unang apo, di pa po kami bumubukod. Hihiwalay po kami ng bahay pag pwede ko nang iwan-iwan si baby. Pure BF kasi siya.
Đọc thêmBumukod kayo IF YOU THE MEANS. Fiance ko nga mag-isa ang nanay nya sa bahay pero kumuha parin kami ng sarili namin. Kasi gusto ko nakabukod ako, di ko mafeel na asawa na ko kung makikitira ako..lol Buhay nyo na yan lalo at pamilya na kayo, labas na ang magulang at inlaws sa mga decision ko. Kasi mas masarap ang nakabukod, matututo kayong magsikap at walang mangingielam.
Đọc thêmMainam pa asawa mo gusto agad bukod kayo. kasi mahirap makisama. ranas ko yan ngayon. Baliktad tayo ng sitwasyon. Ako gusto ko din magrent na lang , Asawa ko ayaw kasi gastos lang un. mas gusto nya kasi may kahati kami sa kukurampot na sahod nya. which is pamilya nya. Sobrang tanga. edi ngayon ako ang nahihirapan. Ni kusing wala kaming kaipon ipon, baon pa sa utang
Đọc thêmAdvice lang po and based from own experience dapat bumubukod na kapag meron ka ng sariling pamilya or kapag may asawa ka na. Mahirap na may kasamang magulang sa bahay kasi mahihirapan ung asawa sa pakikisama. Mahirap din kumilos sa bahay kasi bawat kilos namamatyagan, baka maging cause pa ng pagtatalo niong magasawa.
Đọc thêmmas maganda tumira ka muna sa side mo mom kase kapag nanganak ka sa hindi ka mahihiya humingi ng tulong sa pamilya mo kahit kapag kaya mona alagaan babymo, di tulad kapag nasa side ka ng hubby mo mahihirapan ka kumilos chaka kapag nagrent ka kayo rin mahihirapan lalo na kung ikaw chaka baby mo lang naiiwan.....
Đọc thêmmuch better bumukod po kayo..if kaya nang budget and lalo na kaya mo mgisa mgalaga kay baby... lalo na kpg ngwork yung partner mo..mahirap kasi kpg wala ka kapalitan sa mghapon mgalaga kay baby hndi ka mkakakilos... tska na kayo bumukod if medyo malaki na si baby kasi gnyan din ako... mahirap kpg mgisa ka lng..
Đọc thêmkung kaya nyo naman po ang mga gastusin at bayad sa bahay why not po. kayo pa rin po magdedesisyon sa sarili nyo, support po ang mga magulang. pero bago po magdesisyon siguraduhing kaya pong panindigan. Mas okay rin po naman kasi talaga na nakabukod kasi mas makakagalaw kayo ng libre at maayos.
much better kung bbukod kayo, kasi mas mapapalaki nyo yung anak nyo sa paraang gusto nyo, maggawa mo yung mga bagay na gusto nyo na hndi nyo kinakailangan idepende sa iba. kung nag aalangan kana wala ka makkatulong pagkapanganak mo pwede ka nman punta puntahan ng magulang mo or inlaws mo,