Emotional dahil macCS
"Take your time to grieve on the dream you lost and then create another one that is centered on you and your baby." Yan ang sabi ng Doula ko nung sinabi kong macCS na daw ako per my OB. Kasi breech pa rin si baby, di na sya umikot, at 39 weeks na ko. Kahit umikot pa daw sya, hindi na magkakasya yung head nya dahil beyond the limit na. It's crushing, disheartening. Dahil sa emotions ko at hindi ko matanggap, andami kong tanong sa OB ko until napuno na sya at sinabihan akong makulit at napapagod na din daw sya. 💔 napahiya ako at ngayon, hindi na ko komportable na sya magpaanak sakin. Kaya lang too late na. Wala na kong choice. Walang oras na di ako umiiyak kasi parang para sa ibang tao, nagiging unreasonable ako. Hindi ko na rin alam gagawin ko. Gusto ko lang naman magkaroon ng memorable at hindi traumatic na birth para sa baby ko 😥
Mom to Elio and Sian