Need an advice 🙁

supposedly 10 weeks ako sa lmp dahil july 15 huling mens ko, nagpaultrasound ako ng sep. 1 no embryo pero well formed gestational sac at may yolk sac, 6 weeks and 1 day ang gestation. ngayon base sa utz nung sep. 1 dapat 8 weeks na ko, nagrepeat transv ako. 6 weeks and 4 days naman ang gestation. wala pading embryo pero merong yolk sac padin 0.3 mm. niresetahan ako ng ob ko ng pampadugo. iinumin ko na ba? baka kasi may mabuo pa, may case bang ganun? may history din ako ng miscarriage sa 1st preg ko. ayokong maulit uli.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Ma, we have the same situation. Ni-require ako ni OB magpa-ultrasound nung first pre-natal visit ko. Per LMP, 8 weeks preggy ako pero per ultrasound 5 weeks. That time, no yolk sac nor embryo seen yet. Ang interpretation ni OB is blighted ovum, pero sabi niya pray lang then we will repeat the utz after 3 weeks. After 3 weeks, sa awa ng Diyos may heartbeat na si baby. 🙏 That's 8 weeks per utz. Sabi ni OB baka mali ako ng LMP ko, I have PCOS also ang irreg ang mens. Pray ka lang momsh. Pwede ka mag-repeat utz at 8 weeks or 9 weeks.

Đọc thêm
2y trước

sabi ng OB ko since nagka covid pandemic dumami daw po ang nakukunan

Sis wag muna same tayo nung first trans v ko 8 weeks based sa lmp pero 6 weeks and 1d lang sa tranvs may yolk sac, with embryo na pero walang heartbeat repeat ultrasound ako after 2 weeks. Hanggang ngayon 3 weeks na bago palang ako mag papatrans v sobra akong natatakot bumalik kasi baka wala parin tiwala lang 🥺🙏🏻

Đọc thêm
2y trước

kahit di ba dinudugo pwedeng maraspa?

mag9 weeks na po ako at wala pa pong nabubuo. 8 weeks na dapat kasi lalabas sa transv ko. at sa lmp ko dapat 10-11 weeks na ko. wala na po akong aantayin. pinasaya lang kami ng panandalian lang. swerte ng iba dahil walang komplikasyon sa pagbubuntis. nakakainggit. pero di pa siguro namin time. pangalawa na to eh.

Đọc thêm

ako po nung 5weeks preggy ako walang nakita kahit ano bahay bata lang wala talagang laman pinabalik ako after 2weeks and sa awa ng Dyos may baby na at hb kaya nga lang mababa yung inunan ng baby ko kaya need bedrest at duphaston.

may 1st pregnancy, sa trans v 10 weeks and 3 days na pero wala ring embryo, kinabukasan pina D&C agad ako ng OB ko :(

2y trước

dapat bukas na yung cervix pero pag hindi pa papainumin ka po nyan ng pampadugo.

may ganyan po tlga ako nga po Sa LMP ko 7weeks nung nag nagpa transv Ako nung sept 12 sabi dun is 6weeks 5days

2y trước

blighted ovum talaga sakin dahil hindi umandar ng weeks yung sa 2nd ultrasound ko dapat kasi nadagdagan ng 2 weeks dahil 2 weeks ang lumipas bago ako magpa2nd ultrasound. tanggap ko na po na walang nabuong embryo.

sis try kapa ng 2weeks baka meron pa yan wag kamuna uminom ng pampadugo

Yung iba, ang practice po nila is mag wait ng 2 weeks...

2y trước

Then miscarriage din yung 1st pregnancy ko mi.

blighted ovum po yan mami. ganyan din sakin. niraspa ako.

2y trước

pwede po pang raspahin kahit di pa dinudugo?