Advice about baby bed

Super tipid po kasi ako mga mamsh kaya di ko naisip na need ko ng crib, nung time na buntis kasi ko wala pa ko idea na may wooden crib pala na tig 600 lang. Nakikita ko sa mall kasi is 5k pataas. So sabi ko pwede ko naman itabi nalang sakin yung baby. Bumili lang ako online ng bassinet para pag halimbawa gumagawa ako ng chores maiiwan ko dun si baby kasi portable yun. Kasi alam nyo naman hirap iwanan ng baby sa kama baka mahulog or hirap iwanan magisa sa kwarto kailangan bantay mo talaga. So ayun, nung lumabas na si baby. Hirap pala na katabi mo sa kama kasi konting kibo mo lang gising agad. Kaya yung bassinet naging crib na nya. Eh maliit yun kasi nga portable so hanggang 3 months lang nya carry. Ngayon lilipat na kami sa bahay ko sa pasig. Maliit yung kama dun para samin 3. Kaya naisip ko bibili ko ng crib na talga para kay baby. E kagabi kasi nabanggit ko sa friend ko na bibili ako crib sabi nya sakin. Hindi ba masyado na malaki baby mo para magcrib? So ayun mga mamsh. Masyado na ba malaki baby ko para magcrib? 6 months na po sya. Ang concern ko lang is di kami kasya sa kama ayaw ko naman madagaanan si baby. Sa tingi nyo? Masyado na ba sya malaki para sa crib?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

No mommy. Hanggang 2yrs old nga pwede magcrib

5y trước

thank you mamsh sa reply 😍