Breastmilk

Any suggestions po pqno po makakapagproduce ng breastmilk? Kakapamganak ko lang po last sunday, til now wala pa din ako breastmilk, nakakaawa na po ang baby ko. Salamat po#advicepls #1stimemom #firstbaby

14 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Sis mararamdaman mo Kasi Yan na may gatas ka japag Yung breast is naninikip Siya tapos Ang Gawin mo punasan mo Ng malamig na tubig Yung Breast mo dahil ganyan din Po Ako dati. pero Ang ginawa Ng byanan ko at Ng Tita Ng Asawa ko Pina pump nila Ako Hanggang sa nanigas Yung Dede ko at Ng umuwi na kami sa Bahay lumabas Yung gatas ko dahil sa pinunasan ko Ng malamig Ng tubig Yung Breast ko at uminom ka din Ng Malunggay capsule. tapos daming lumabas sa akin kahit Hindi kalakihan Dede ko tapos Ang nakakainis lang sa part sa time na Yun is kahit lumalabas na Yung gatas ko sinasabihan pa Ako Ng byanan ko na walang gatas walang gatas kahit nakikita Naman nila na tumutulo Yung gatas ko kaya nagtatalo kami non eh hahaha..dahil sa iyaknng iyak Yung batang sanggol pa ay..tapos palaging iniisip is walang gatas kahit alam Naman natin mga mommy kung ano Yung kailangan ni baby..

Đọc thêm
2y trước

Uminom na kasi ako malunngay capsule. As of now kahit papano may nalabas na gats kaso ang konti, pakiramdam ko ndi nabubusog si baby

Paano mo nasabi wala kang milk? Wala ba output si baby? Natural lang na di pa masyado madami milk sa una at di naman need din ng napakadami agad since kasing laki lang ng calamansi ang stomach ni baby.. Unli latch po talaga at keep yourself hydrated.. Sa akin dati nakatulong ang parallel pumping.. Yung isang dede nasa manual pump while yung kabila dinidede ni baby. Tyagaan lang talaga momsh makakatulong din naman mga galactogouges like malunggay cap pero kung hindi ka magpapa latch ng matagal balewala din yun mga malunggay na yan.. Wag din agad matutukso magbigay ng formula.. Tandaan law of supply and demand ang milk natin.. Kaya mo yan momsh tyaga lang talaga.. -5mosEBFmommyhere

Đọc thêm
2y trước

Kahit anong dede kasi ni baby sakin parang wala syang nakukuha, kaya nag worry ako. Anyway salamat

Thành viên VIP

totoo yang snsbi mo mi ganyan ako s 2nd child ko dahil s 1st child ko 1month lng sya nagbf sa akin. kya pag labas ng 2nd child ko ganyan dn ako parang walang milk kahit padedein mo iyak ng iyak hndi kontento prang walang nagagatas. gnwa ko lng nun kumain ng masasabaw n pagkain tapos tubig ng tubig tska unli latch pa dn kht msakit sa dede ksi nasusugat lng ni baby kakadede. hindi naman lahat ng mommy eh my gatas agad. meron nga akong kilalang mommy lahat n gnwa pero wala pa din syang gatas.

Đọc thêm

Hi, Mi. Dumidede po ba si baby sa inyo? Paano niyo po nasabing wala po kayong gatas? Pagkalabas po ni baby, maliit pa lang po ang tiyan niya kaya kaunti lang po ang gatas na kakailanganin po niya. Kung dumidede po siya sa inyo, sapat po ang gatas na meron kayo. Inom po kayo ng water bago at pagtapos magpadede, kumain ng masusustansyang pagkain pati. Wag din po masyadong mag-alala gawa ng makakaapekto po iyon sa pagpapadede niyo. :)

Đọc thêm

ako po after a week pagkapanganak pa nagkaroon ng gatas. ang pagkakamali ko nagbottle feed agad ako kaya nung may gatas ako ayaw na sakin mag feed ng baby ko. unli latch lang po para mastimulate ung milk supply. tyagain nio lang po, if gusto nio talaga BF, wag muna kayo mag bottle feed magkakagatas din po yan. inadvise sakin doktor ko itigil mefenamic kasi nakakahina daw milk supply.

Đọc thêm

Unli latch lang sis tapos Take ka po sis buds and blooms malunggay capsule para mas lumakas milk production mo 🥰 safe since all natural and super effective

Post reply image

Unli latch and keep yourself hydrated. Kasing liit lang ng kalamansi tyan ni baby. Check mo din bka na iinitan, or puno yung diaper nya.

Super Mom

unlilatch and skin to skin with baby. think happy thoughts. if okay naman po and diaper output ni baby, sapat ang gatas.

maraming tubig, mag milk ka po with oatmeal, malungay capsule, milo.. breast pump.. hydrate and unli latch..

M2 malunggay tea sa andoks available po siya tapos haloan niyo lang ng milk yan po nag pagatas sakin