Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

Dissappointed sa OB
74 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

..38 weeks kna po Kasi pwdng pwd kana po manganak . emergency cs ka po tlqa gayan din po ung case ko agad agad Cs po ako kc hnd lang ikaw Ang delikado pati si baby sa loob kaya pag tumaas Ang BP at pwd na paanakin emergency cs na tlqa para narin po sa safe ni baby.

Kapag ganyan parang namemera lang siya kung wala man lang siyang ginawang kahit anong check if mataas pa ba ang bp mo. Ganun na talaga ngayon . Pero kung titignan mo in positive way may tama din naman yung doctor kasi mas safe kung ics ka kung ganun pa din ang bp mo .

4y trước

Nachek naman po cguro ang bp ni mommy kc bago ka nmn po kausapin ng ob ibi bp ka muna at titimbangin please correct me if im wrong kc ganun proseso ng ob ko. Same goes sa health center gathering data muna bago nila kausapin ang buntis. Besides hindi magdedecide yung ob nya ng ganun kung walang dahilan.

mommy hindi po talaga maganda ang mataas na bp..ako ng 1st baby tumaas yung bp ko ng nag 140/120 po ako pina confined ako ng ob ko ginawa nia lahat para hindi ako mag labor kaso lumabas yung baby ko 7months palng sa tummy ko buti nalng po buhay c baby..

Same po tayo ng due date...pero d pa kami nagkikita ulit ng ob ko dahil nakaleave sya..aug.24 ngpa ultrasound nlang ako sa ibng clinic... Bkt nmn gnyn ob mo, obvious na pera2 na lang..kung kya mo nmn inormal at hnd ka pa nmn overdue pra sabihin nya yn.

Your OB is right naman mommy but yung approach nya yung mali. Yung friend ko na CS sya coz on the same day of her check up nag shoot up din BP nya. If ganyan ugali ni OB better switch ka na lang, but maybe same lang din sasabihin sayo na for CS ka din.

Khit ano pong gawin m sis Di n mapipigilan pagtaas NG BP mo isa kasi yan sa lumalabas na condition NG buntis.. Ganyan din ako na hospital p Nung 6 months DHL sa bp ko pinainom NG maintenance para lang umabot NG 9 months pero tlgang Cs na..

Momsh makinig ka po sa OB mo. Hindi sila basta nag CCS ng WALANG DAHILAN. Wag mo irisk ang buhay nyo mag ina. Kung problema mo ang budget, isipin mo na lang na kikitain mo yang pera pero ang buhay nyong dalawa walang kapalit na halaga.

cguro my pinagdadaanan lng ob mo.. pero parang gusto nya lang isave c baby nyo. wla po kc ibang way para mwala ang pre-eclampsia is mailabas nyo na c baby (sa own research kopo). buti nga po 38 weeks kna. relax kna lng mommy and pray

try to seek a second opinion sis. 🙂 dalin mo lng mga labs. mo.. bka may tumanggap n iba. siguro hindi lng naipaliwang ng maayos ni OB yung procedure and alternative n pwede.. or bka pagod din siya that time. 🙂😁

kapatid ko di naman na cs , mataas din bp nya, ininduce sya para mabantayan kung tataas bp nya tas tinuturukan sya pampababa ng dugo, nalabas naman nya ng maayos, ako tuloy na walang complications nung buntis ang na cs,