1 Các câu trả lời

Ang normal symptoms po ng teething ay paglalaway, iritable at low grade fever lang po. Ang pagtatae, and/or sipon at ubo ay HINDI po nakukuha sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga sakit na yun sa mga viruses, germs o bacteria. Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit. Ipacheck-up na lng po at kung nagtatae, siguraduhing hindi madehydrate.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan