Stress
Can someone please motivate me or cheer me up. 18 years old ako and i'm 5 months preggy. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko. Di ko maamin sa pamilya ko na buntis ako kase ako na lang inaasahan nila na makakapagtapos mataas yung expectation nila saken. Tapos yung bf ko walang trabaho pero graduated na sya ng college. 4 years gap namen ayaw ng parents ko sa kanya kaya sobrang hirap ako sa pagamin. Di ko alam kung paano ko sisimulan at paano ako magsasabe. ??? Need ko ng kausap ngayon mga mommy. Give me advice.
mapapansin at mapapansin nila yang tyan mo sis kahit d ka magsabi. baka hinihintay kn lang nila.saka need mo sila kausapin, mahirap mastress ang buntis.magulang mo pa din sila.at walang magulang ang makakatiis sa anak nila.sa una magagalit sila, pero mahal ka nila kaya tatanggapin at tatanggapin ka nila. hayaan mo lang sila magalit, mawawala din yun.isipin mo si baby, mahirap itago yang pinagdadaanan mo.tingnan mo paglabas ng baby mo, magbago parents mo pag nakita na apo nila.hinding hindi ka nila matitiis sis.pray pray ka lang ha. Godbless.
Đọc thêmAko 2 months na tyan ko nung nasabi ko sa parents ko. Takot na takot talaga ako magsabi nuon. Then ginawa namin ni lip ko after check up and ultrasound umuwi ako sa bahay kasama sya at duon namin sinabi. Sobrang sama ng loob ng tatay ko nuon kasi unica ija ako at bunso pa. Galit na galit non samin tatay ko, kaya ginawa ko sumama muna ko sa lip ko at don nagpalipas ng sama ng loob ng tatay ko then ilang araw lang tumatawag sila at pinapauwi na ko. nahimasmasan na daw tatay ko. yun ngayon tuwang tuwa sya sa apo nya. 😊
Đọc thêmHello! Pareho din tayo ng naging situation, inaasahan din ako ng family ko dahil ako plng nakakatapos samen pero diko akalain maaaccept din nila akala ko din nung una itatakwil ako sa sobrang takot ko aminin pero hndi pala. Mas nagtampo sila dahil 5 months ko na din inamin, bakit ko pa daw pinatagal. Kaya habang maagap pa magsabi kana accept mo kung ano sasabihin nila. I know kahit nadissappoint mo sila still they will support you dahil mahal na mahal ka ng family mo. Be brave and Godbless!
Đọc thêmBetter tell ur parents po , kung magagalit mn sila sa umpisa lng yun. ma o ok din kayo balang araw lalo na pg lalabas na si baby. may frnd kasi ako ganyan din ung experience nya , tapos palagi syang na e' stress/umiiyak at masama po talaga sa isang buntis ung ma stress po kasi naapektuhan si baby . kaya ngayun palagi nalng nagkasakit ung baby nya, medyo sensitive katawan nya pag ganitong mainit panahon nilalagnat agad si baby at sinisipon , palagi din syang pinapa check up sa doctor
Đọc thêmI feel you po ako 7months ko na nasabi sa magulang ko and harap harap na nag usap parents namin.. natakot din ako kasi inaasahan din ako mag isa lang akong anak si bf is wala ding work college undergrad pa. ako nakatapos ng college kaya takot din ako magsabi sa magulang ko nun andami ko naiisip na kung ano ano pero in the end kelangan padin nilang malaman... kelangan din na maging positive sa buhay.. kaya mo yan .. oo sobrang hirap kung iniisip pero anjan na kaya kayanin natin 😊
Đọc thêmAko po maam 17 years old po ako ng mabuntis ako. Ngayon po 18 years old na ako 4 months na po c baby and mag 5 months this coming march 12. Hindi rin po alam ng parents ko and ng buo kong family na nabuntis ako. Then nabalitaan lang nla sa ibang tao na buntis na pala ako nong 7 months na po tyan ko. And luckily tanggap na tanggap namn po nla ako and my baby. Sabihin mo po sa family mo maam dahil sila lang po ang mas higit na makakaintindi and makakatulong sa iyo😊
Đọc thêmdanas Ko din yan when I was preggy 6mons kuna nung nalaman nila. tinago ko din dahil taas tingin nila Sakin kaya wla akong lakas sabahin tinago ko hangang umabot sa 6mons,yes sa una magagalit cla pero pag makita na nila apo nila lahat ng un mapapawi,kaya mas maganda sabhin muna kisa malaman pa sa iba mas masakit un,magusap kayo ne bf mo para humarap kayong dalawa sa parents nyo pag sasabihin nyo sknla. isipin mo c bby mo bawal laging stress at iyak goodluck.
Đọc thêmSimulan mo ang pag-amin sa paghingi ng sorry at nadisappoint mo sila. Wag mo ng patagalin dahil sila lang din ang makakatulong sayo sa sitwasyon mo ngayon. Makakasama sa pinagbubuntis mo ang stress. Normal na magalit ang parents mo pero kelangan mong tanggapin. Wala na rin silang magagawa andyan na yan. Mas mangingibabaw pa rin ang pagmamahal nila kesa sa galit. Bumawi ka na lang pagkapanganak mo para makapagtapos ka sa pag-aaral. Walang imposible! Pray ka lang.
Đọc thêmHi...my advice for you..better to tell to your parents..specially to your mom..baby is a blessing cguro they will feel dissapointed but as a parents i dont think so na hahayaan nila anak nila specially magkaka apo na sila. Ako madami na ko nagawang kalokohan but despite of that my mom accept me wide arms open. As long as you say sorry and pagpatuloy mo parn studies mo after. Hope i helped you to cheer up. And always pray to the man above. God bless and smile.
Đọc thêmHi i'm 19 yrs old and same kami ng bf ko ng age. Alam mo inamin ko agad sa mommy ko nung 2 months palang tyan ko kase mahirap na pag halata na sa tyan mo, sabihin pa nila sayo na bat hindi mo sinabe agad ganyan ganyan. Pag iisipan ka pa ng nega kaya aminin mo na sa parents mo kase sila din ang tutulong sayo kung ano ba ang dapat at hindi dapat gawin ng isang buntis. Sa una syempre madidisappoint pero matatanggap din nila yan kase blessing yan from God :))).
Đọc thêm