hairfall
Sobrang naglulugas po ang buhok ko.six months na po nakalipas noong nanganak ako.ano po kaya ang solusyon dito? Help naman po 🙏
Same. I read na maganda daw ang cedarwood oil,imimix lang ang few drops sa carrier oil then iapply sa scalp and hair 10 min before magshower. Di ko pa natry but I already ordered the oil. Currently waiting. Sana effective. Meron din binili na shampoo si hubby for me before from korean mart. Smells like ginseng sya. Nabawasan talaga pag lalagas ng buhok ko nung yun yung gamit kong shampoo..
Đọc thêmKumain po ng foods na high in collagen gaya ng paa ng manok. Magpalit din po ng shampoo na natural. Gaya ng human nature at yung malunggay meron sa mercury drug. Ask dn po kay OB if pwede kayo magtake ng vitamins. Biotin or collagen. Parehas na makakatulong. 😊
mag dikdik ka po ng malunggay tapos lagay mo sa buhok sa anit tapos massage. mga 30mins po na ibabad. ganyan po ginawa sakin ng mother ko nung naglagas ng sobra buhok ko simula 1st to 3mons ko. araw arawin nyo po tapos wag mag shampoo
gosh mamshie sa haba ng hair ko sobrang nipis na nia.. pagkatapos kong maligo sabi ko nga may tipus na pa ako at naglalagas na xa.. grabe lagas ng buhok ko 4months c baby ko now ko lang din naranasan yan.. 😔
Me too.. 4 months na after birth ni baby.. Kso mkapal buhok ko kya hnhyaan ko pa.. Nung wla p ko baby naglulugas dn aq eh.. Wla nmn ako nilalagay, pro hnggang ngaun mkapal p din hair ko
same. ganyan din ako til now. 6 months na din baby ko..nagstart ang hairfall ko bago sya mag 3months 😔. tas ngayon, parang ang nipis nung buhok ko sa unahan 😔
same momsh!😅 recommend ng ob ko is to take biotin capsules...calcium vitamins... 😅 grabe din hairfall ko😅😅😅 pwede na gumawa ng wig😅😅
try mo lauar shampoo. yan lang gamit ko never naglagas hair ko :) safe pa sya for everyday use :) pure lauat kasi sya mommy tsaka walang halong chemicals :)
Argan oil po Mamsh babad mo every night sa scalp mo massage mo sya then twice a week ka lang mag shampoo, alagaan mo ng conditioner anti hair fall.
Mag apply ka po ng Aloe Vera, para po tumubo ng mabilis ang buhok nyo po at kumapal ulit
Got a bun in the oven