Mga mami ask kolang normal lang ba sobrang kirot dito bandang part nakakaiyak na talaga sya
Sobrang kirot
Akala ko ako lang nakakaramdam ng pananakit sa ganyan hehe. Sabi naman ng OB ko natural lang raw yon Lalo na't kabuwanan ko na. Sa panganay kase at pangalawa ko hindi ko talaga naranasan sumakit yung bandang puson tapos ramdam ko yung sakit kapag uupo or gagalaw habang nakahiga. Hays. Siguro dahil mahilig ako mag lalakad noon sa kanila, kase pinag bubuntis ko pa lang sila non sa probinsya yon, umaakyat talaga ako bundok tapos grabeng layo ng mga nilalakad ko para makapunta sa ibang baryo haha wala kase signal sa sitio namin kaya dumadayo talaga. Tapos uuwi lang ako city kapag 2months before Edd ko. Ngayon kase halos dito lang ako sa bahay, libangan ko lang is asikasuhin mga junakis ko, mag Linis tas panay higa na lang dahil pagod pagod pakiramdam ko unlike noon di ko feel na may dinadala ako sa tiyan kahit mag pakapagod pa hehez Hirap na rin ako mag lakad :( Pero need pilitin para matagtag daw ako nang mabilis lumabas ang baby ko. Makakaraos rin tayo mommies! Pray lang po at samahan ng kilos hehe lvlv 🫰
Đọc thêmhirap den po akong mag lakad sabi ng mga tita ko normal lang daw kase panay siksik , worried Lang ako kase Hindi ako ganto sa 1st baby ko Sabi pa ipahilot kodaw , diako nakakatulog sa sobrang sakit at kirot any suggestions po?? TIA
masakit din yan sakit lalo kapag tatayo at maglalakad sobrang hirap. pero ang sabi natural lang daw yun kasi nireready ng katawan yung paglalabasan ng baby nag aadjust yung buto banda dyan.
ganyan din ako mie pero natitiis ko nmn mahirap nmn kc uminum ng gmot baka maya may side effect kay baby chaka wag kna pahlot palabas na yan ea
pinayagan ako uminom ng OB ko ng paracetamol kapag sobrang sakit ng balakang at sipit sipitan ko. pero sabi nya if kaya tiisin tiisin
25 weeks palang po ako mga mamsh 🥺