wag niyo po ako husgahan bilang isang ina

Sobrang hirap itago pregnancy ko?hanggang ngayon di ko pa nasasabi sa family ko na buntis ako?3 months na kong buntis and this feb is mag fofour months preggy na ako napaoangunahan ako ng takot?sapagkat gusto itong i abort ng sarili niyang ama?nasasaktan ako kasi nagagawa niya yun sa walang muwang na bata tuwing gabi napapaiyak na lang ako?oo aamin ko nung una gusto ko din tong tanggalin kasi di ko pa kaya but nung narinig ko na heartbeat ng baby ko narealize ko na mali pala?gusto ko siyang buhayin pero di ko alam kung paano ko to siismulan?ang sakit sakit di siya kayang panandigan ng tatay niya?nahihiya ako sa mga magulang ko kapag nag kataon?mahal na mahal ko baby ko supeeeer?natatakot ako sana gabayan ako ng panginoon?binabalak ko ding mag layas at buhayin ko anak ko ng mag isa pero natatakot ako kasi di ko alam kung saan ako pupunta at wala rin naman akong pera?di pa ko nakapag pa check up di ko pa nakikita anak ko?kaso may kaso ng ncov yung hospital na pinag papacheck up'an ki?buti na lang di pa halata tiyan ko kasi baka mahalata na nila, sana matulungan nuyo po ako at sana gabayan ako ng panginoon, mas gusto ko na lang mag hirap kesa pumatay sa batang walang muwang??

113 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis mainam magsabi ka sa parents mo oo magagalit sila but for sure di ka nila matitiis.. ung tatay ng baby mo iignore mo nlng kase mali ung cnsbi nya na ipalaglag yan blessing yan.. sana naman d ka makinig sknya at sana masabi mo na sa family mo sila higit makakaunawa at makakatulong sayo. Magpray ka palagi at pakatatag.. sana maging ok kayo lagi ni baby ituloy mo sana yan sis sobrang sarap sa pakiramdam ung makita, maalagaan at mayakap mo c baby lalo pag nakita mo na syang ngumiti.

Đọc thêm

You better tell your parents po :) Ganyan na ganyan ako, 1month ko ng alam, pero 3mos na pala kong buntis, gusto din ipalaglag nung tatay, pero the best thing na nangyari? tinanggap ako ng parents ko :) We need to accept the fact na magagalit satin magulang natin kasi may nagawa tayong mali, pero sila at sila pa din yung tatanggap satin :) Pray lang momsh :) if hindi mo kaya mag isa magsabi? try to look for a friend na makakasama mo magsabi, para mas maluwag sa loob mo :)

Đọc thêm

Relate much..tuloy mo beh at sbhin muna din SA parents mo ganun tlga maggalit cla sa umpisa at Jan mo mallaman mo kahalagahan m sa pamilya mo..pag nanganak kana mawwala nadin yang galit NG parents mo kng mgalit man sila sau at matutuwa na Yan sila pag nakita pa baby mo😊..hayaan muna ung wlang kwentang ama Nyan pray k lng NG pray pag nakaraos kana at bumalik Ang lakas mo pagsikapan m nlng buhayin at hingian m nlng NG sustento pag ndi magbigay reklamo m sa VAWC NG makulong yan..

Đọc thêm

sa una mahirap sis, papagalitan ka or what pero sa huli magiging okay dn ang lahat :) wala ka ng ibang malalapitan kundi ang pamilya mo. Kelangan mo sila at ng baby mo, mabibigla lang mga magulang mo pero maniwala ka magiging okay dn ang lahat. Kase ang totoong nag mamahal, mas mangingibabaw ang pagmamahal kesa sa mistakes mo, ganyan ang totoong magulang :) Laban lang! May malaking blessings na dumating sayo kaya laban lang :) Keep fighting! Anjan si Lord, dasal lang din :)

Đọc thêm

Ako mommy 5months n ko preggy nung umamin ako. Umamin ka na. Tanggapin mo nalang ano man magiging reaksyon nila. Sila din kasi ang makakatulong sayo lalo na sa sitwasyon mo ngaun na walang kwenta un tatay ng bata. Kapag stress ka kasi habang nagbubuntis, maaapektuhan si baby. Tyka aminin mo na sa parents mo para mabunutan kn ng tinik sa puso mo. Tyka mo nalang isipin next step mo depende sa reaksyon nila. Pray ka lang na matanggap nila agad si baby. Mamahalin nila yan.

Đọc thêm

1. Wag mo intindihin ang tatay ng anak mo. Kung ayaw nya panagutan, then so be it. Get him out of your priority list. Number 1 priority now is you and your baby. 2. Tell your parents/family, they will be your support group. Lakasan mo loob mo, sabihin mo ASAP. Don't hold back, just say it! 3. Go and have a check-up with an OB ASAP please. You and your baby need this. 4. Be thankful for the gift of LIFE and always pray for guidance, strength, and peace of mind.

Đọc thêm
5y trước

Nag pa check up na po ako, and uminom akk dati ng advil para mawala siya peri makapit talaga si baby

Aweee sorry to hear that mommy. Don't worry lahat ng yan mapapalitan ng mga ngiti once makita mo na si baby. Saka apo nila yan wala mgagawa magulang mo kundi tanggapin ka. It's okay to be scared but be brave enough for your little one. Hayaan mo yang nakabuntis sayo may karma din yan. Masama po ang magpalaglag. The baby deserved to live and to be loved. Kaya have courage and tell ur parents. Di madali magsabi but u have to. Kaya mo yan!!! Aja!❤

Đọc thêm

Ganyan din ako.sayang kasi nakatagpo tayo ng gagong lalaki na akala natin mabuti.ako pinipilit ko nalang para sa anak ko.grabe yung nagyari sakin sinira nya yung buhay ko ang sama sama nyang tatay nakakadalawang panganay na sya pero hindi nya pinapanagutan parehas.kaya ikaw momsh maging matatag ka din para sa baby mo iwan mo yang lalaki na yan magiging madilim lang lalo mundo nyong magina.the fact na sya pa may gana tanggalin yan.

Đọc thêm

Hindi kayang tiisin ng isang ina ang kanyang anak. Kung ano man ang mga pagkakamali natin bilang isang anak, wala ibang tao na handang tumanggap sa pagkakamali natin at buohin tayo ulit kundi ang ating ina lamang. Sabihin mo na po sis sa mama mo. Oo, magagalit talaga sya pero sa una lang yan. Sasama loob nya sayo pero nandyan sya handang tumulong. God bless sis. Kaya mo yan! Mahal na mahal ka ng mama mo, tandaan mo yan!

Đọc thêm
Thành viên VIP

momsh mas maganda kung magsabi ka sa family mo. magalit man sila or hindi, atleast alam mo na magkakaroon ka ng susuporta sayo and hindi ka nila sasabihan na ipalaglag mo yang bata. ako din momsh halos same lang tayo ng napagdaanan sobrang takot ko din sabihin sa family ko pero nung nalaman na nila and nakita ko reaction nila naisip ko na sana pala mas maaga ko sinabi sa kanila mas naalagaan pa sana ako ng mabuti.

Đọc thêm