wag niyo po ako husgahan bilang isang ina

Sobrang hirap itago pregnancy ko?hanggang ngayon di ko pa nasasabi sa family ko na buntis ako?3 months na kong buntis and this feb is mag fofour months preggy na ako napaoangunahan ako ng takot?sapagkat gusto itong i abort ng sarili niyang ama?nasasaktan ako kasi nagagawa niya yun sa walang muwang na bata tuwing gabi napapaiyak na lang ako?oo aamin ko nung una gusto ko din tong tanggalin kasi di ko pa kaya but nung narinig ko na heartbeat ng baby ko narealize ko na mali pala?gusto ko siyang buhayin pero di ko alam kung paano ko to siismulan?ang sakit sakit di siya kayang panandigan ng tatay niya?nahihiya ako sa mga magulang ko kapag nag kataon?mahal na mahal ko baby ko supeeeer?natatakot ako sana gabayan ako ng panginoon?binabalak ko ding mag layas at buhayin ko anak ko ng mag isa pero natatakot ako kasi di ko alam kung saan ako pupunta at wala rin naman akong pera?di pa ko nakapag pa check up di ko pa nakikita anak ko?kaso may kaso ng ncov yung hospital na pinag papacheck up'an ki?buti na lang di pa halata tiyan ko kasi baka mahalata na nila, sana matulungan nuyo po ako at sana gabayan ako ng panginoon, mas gusto ko na lang mag hirap kesa pumatay sa batang walang muwang??

113 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ayy sis keri mo yan. ako 4months na den ako ngayon gustong gusto ko na matapos ang lockdown at gusto ko na magpacheck up, nung una sabi ko after graduation ko sasabihin kila daddy sana this April 15, 2020 yon medyo kabado di ko alam sasabihin ko. yung daddy ng baby ko hindi kase kame so nagpapadala nalang sya ng pampacheck up ko matindi don isang beses lang ha, pa lab test ko at pampacheck up ko nagpadala sya ng pera na kinulang pambili ng vitamins. so syempre nagtatago pa ako sa parents ko at sa isang kuya ko yung panganay yung terrror so may alam palang yung kuya kong pangalawa na bestfriend ko tapos pamangkin ko na 6yo haha so di ko alam na may libre pala sa center ang tagal kong di nainom ng gamot until now. lagi nalang ako nabawi sa gatas, sa mga healthy foods, gulay, prutas, etc. nagaalala kase ako sa baby ko kase di ako nainom ng vitamins same case tayo sis. nung nalaman ko naman na may libre sa center ayaw naman ako palabasin ng daddy ko simula na kumalat ncov kahit di pa naglolockdown. bantay sarado kila daddy hatid sundo after school para iwas virus. yung mga friend ko den naman kase walang alam sa mga libre kaya promise po wala talaga kaming alam, halos yung mga kaibigan ko kase na nabuntis kalimitan private. di pa alam ng parents ko kaya di ko alam saan ako kukuha pamvitamins ko eh nagkagulo kame netong daddy ng baby ko kase may babae sya kaya naging cold bigla tapos tinatanggi yung baby namen masaklap yon ilang beses ako umiyak ng umiyak, nagalit. tapos netong March 18, 2020. 10pm na, magkachat kame ng asawa ng kuya ko kelan ko pa daw sasabihin kay daddy wag na daw ako umasa don sa daddy ng baby ko kase sobrang galit sila don lalo na mga kaibigan ko na alam ang kwento at nangyayare samen nung daddy ng baby ko edi ganto ganyan sabi ko mamomove yung graduation mamomove yung date na kung kelan ako magsasabi kila daddy tapos maya maya di na nagreply. maya maya tinawag ako ni daddy sa kwarto ko kinatok ako sabi nya halika daw saglet sabi ko pa yes dy akala ko kase may papagawa lang or ipapakuha sa sasakyan. tapos umupo sya sa sofa bakit hindi ko daw sinabi sa kanya una pala nagdududa na daw sya non dahil di ako nagpapabili ng pads every month twing nagggrocery sya bibili sya pero di ko ginagamit di nakikita sa basurahan at mahilig kase ako makapagiwan ng pads ko sa cr pag meron ako tapos sobrang selan ko kase non tipong pinapainom nila ako gamot pag masama pakiramdam ko eh bawal kase diba bawal uminom ng kahit anong gamot ang buntis lalo na di naman nirereseta ng ob. so ayon nagulat ako, sabi ng daddy ko sino daw daddy neto di ako nakasagot, ilang months na daw sabi ko 4 po, sabi nya papatayin mo ba apo ko ni hindi ka nagpapacheck up pano vitamins mo di ka umiinom, sabi ko nagpacheck up na ako isang beses palang, sabi nya after lockdown lilipat ka ng ob mo kay rabutin don sa nagpaanak sa mommy mo at kila aya para maalagaan ka ng maayos, naluluha ako non akala ko kase magagalit sya sasabihan nya ako ng masasakit na salita, sabi pa nya magaasawa kana ba aalis kana ba dito sa bahay sabi ko hindi po ah, don nya lang sinabi na ano daw ba mali ginawa nya saan daw sya nagkulang ayun. so ngayon malaya na ako nakakapagtaas ng damit ko, excited na ako uminom ng vitamins at bumawi kay baby sa lahat lahat kase nakasuporta na saken sila daddy ♥️ no. 1 susuporta sayo sa lahat pamilya mo sis. nakakatakot pero may hangganan yung takot. at wag ka sis si daddy ang pinaka terror na taong kilala ko, kaya nakakatakot umamin kase baka magalit o masabihan ako ng kung ano anong salita . pero walang magulang ang pababayaan ang isang anak p.s: nung inupdate ko daddy ng baby ko na alam na ni daddy kakausapin sya after lockdown. alam mo kung ano sinabi? papadala daw sya bukas na bukas ng pera. wtf?? diba anong sense ng papadala nya makakalabas ba ako. siraulo bigla sya naging maayos, pero buti na yon. para sa baby ko kahit di na para saken maging daddy lang sya

Đọc thêm

hayyyyysssss sis.. been there. nung una hrap n hrap ako na tanggapin ang baby. nbuntis ako n wala sa plano. aaminin ko inilaglag ko ang baby. bumili ako ng gamot at ininum ko.. kala ko nlaglag kxe dnugo ako.. but then nung nghhntay nko na reglahin ako wala p dn I decided n mgpa check up.. laking gulat ko buhay pa ang baby.. nung nag transV, nkita ko xia buong buo na.. my katawan, legs, braso, paa, ulo, kamay, pati spinal cord kita na.. takot na takot ako sa pwdeng mangyre sknya. hnggang sa manganak ako, idinadasal ko na sana wag parusahan at wag mag suffer ang anak ko sa ginawa ko. araw arw umiiyak ako sa pwdeng mngyari sa anak ko.. hnggng sa manganak ako, at turning 4mos na xia ngaung month na to. masayang masaya ako at walang ngyri sa anak ko.. masaya ako kxe ipinagkaloob siya sakin. lahat ng pagbabawi sa anak ko ginagawa ko dhil sa kasalanang ginawa ko. mahal ako ni Lord at ang baby ko dhil walang naging problema ang baby. normal siya at ok ang result ng newborn screening niya.. kakaiba ang naging journey nmin mg baby ko. halo halong kaba at takot habng nag bbuntis ako.. at sinamahan pa n sobrang nkukunsensya ako.. pero ipinagkaloob pa din ni Lord na mahmging normal siya.. kaya ikw, wag kna mag isip ng kung ano, isipin mo na blessing mo yan at lahat idudulot ni Lord sayo just fully trust him. yun lng at makikita mo lahat kakayanin at makakaya mo.

Đọc thêm

Hello soon to be mommy. Share ko lang experience ko. 2 months na akong preggy, 1st baby I'm only 24 y/o. Break na kami ng ex ko nang malaman ko na preggy ako. Right after ko mg pt ng multiple times, chinat ko sya. Then sabi nya wag ko daw ituloy kase di pa sya ready. The moment na sinabi nya un, I accepted already na financial support na lang hihingin ko sa knya which is yun na lang daw ang gagawin nya. Same day sinabi ko din sa mama ko thru video call kase ofw sya, all I could say was sorry, sorry, sorry kase bread winner ako at never nilang naisip na mangyayare saken ung ganto dhil mataas ang expectations nila sa akin. Pero I had no choice but to tell them right away kase wala na ko ibang masasandalan pa kase nga iniwan nako ng ex ko. Syempre ngalit cla, kinagabihan nalaman na din ng papa ko. Expected reaction sa mga parents mgagalit talga pero nanjan na yan. Ngayon, super support nila ako. Binibilhan ako ni papa ng snacks ko, fruits. Nagwwork pa din naman ako. So, un lang. Sila lang masasandalan mo, kaya you should tell them now. Kaya mo yan

Đọc thêm

Na feel kita. 😇 Ey share ko lang tong sakin ha? Para mag kalakas ka ng loob sabihin sa magulang mo. Kasii nabuntis rin kasi ako 2years ago, Tsaka 15y'o lang din ako. Syempre nung una dami mong iniisip, napapariwara ka tsaka nagiging emotional. Parents are still parents kahit baliktadin pa ang mundo. Syempre pag una papagalitan ka talaga "mabibigla sila, masasabihan ka ng di mo pa naririnig, minsan masasampal kapa sa salita nila" Ganyan talaga pag magulang. Tsaka yung sa Boyfriend mo matutulongan ka ng mismo mong magulang pag nasabi mo to sa kanila ng maaga. Na kahit di ka panindigan ng lalaki basta tanggap ka naman ng magulang mo magiging okay ka din. Kasi nagiging NORMAL sa panahon natin ngayon yung maagang pag bubuntis. Nawawala respito natin sa sarili pag ganun. Pero alam mo pag mas malaman nila ng maaga yan magiging Care sila sayo. Maiintindihan nila sitwasyon mo, hayaan mo si lord gumabay sayo. Maniwala kalang😇

Đọc thêm

Nilihim ko pagbubuntis ko nuon kasi last sem nalang at ga-graduate na ako... kaya nilakasan ko amng loob ko na kayaning magbuntis na palihim.. 5 months na tyan ko nung sinabi ko ito sa magulang ko. of course, matatakot ka talaga kasi wala yan sa plano and marami pa ang pangarap ng magulang mo sayo and alam mo mali ang nagawa mo.. pero isipin mo nalang, nandyan na yan. Di mo na yan matatago. Tanggapin mo ang realidad na magagalit talaga sila... lunokin mo pride mo. Sila lang pwede mong lapitan. Siguro magagalit yan pero for sure tatanggapin nila yan.. basta pagka tapos mong manganak, dapat magpaka responsable ka... Sa lalake mo, please wag mo ipag pilitan sa kanya sarili mo and anak mo. Walang kwenta kung ganun.. habang buhay ka manghihingi ng respeto at sustento jan na dapat ay di na sana hinihingi kundi kusang binibigay .. pabayaan mo yan. Huminga ka ng malalim. Isabi mo sa magulang.

Đọc thêm

Ganyan ako dati sis. 17 years old ako nung nabuntis ako nag aaral ako sa college tinago ko sya sa parents ko at sa mga tita ko ng 6months kasi as in di sya halata although medyo tumataba ako, naisip ko din dati na ipalaglag baby ko kasi nag aaral pako at iniisip ko kung ano sasabihin sakin ng parents ko. Pero nung nag 7months na tyan ko don ko na sinabi na buntis ako, oo nakarinig ako ng mga di magaganda at masasakit na salita pero isa lang naisip ko kasi kasalanan ko din kasi nagrebelde ako sakanila (family problem) pero tinanggap din nila ako/kami ng baby ko kasi wala naman na daw magagawa kasi andyan na si baby alangan naman daw ipalaglag namin kasalanan sa diyos at walang kasalanan ang bata. Thankful ako kasi di ako pinabayaan ng panginoon at ng anak ko, ngayon turning 5years old na sya sa June at may kapatid na din sya ngayon 6months old 😊 trust to god di ka nya papabayaan

Đọc thêm

Alam mo anong dapat mong gawin?😊 tell your parents na buntis ka. Alam mo kung bakit? Kase yan yung the best way na gagawin mo, alam mo walang magulang na hindi tatanggapin ang anak nila lalo na kung may bata kanang dinadala. Sabihin man nating magagalit sila sa umpisa pero mas mamahalin nila yung magiging apo nila kung gayan yung sitwasyon ng gustong gawin ng tatay nya. Hindi lang ikaw naka experience ng ganyang pag bubuntis paraming buntis na nag babalak dyan na gawin yan pero mas natakot sila kay god kaysa sa magulang nila. Sya ang blessings mo kay binigay ni god yan sayo. Kaya nga sabi nila diba everything's happen for a reason. Wag kang makikinig sa tatay ng anak mo makinig ka sa nararamdaman mo. Dahil kapag napalaki mo yan o nailuwal mo yan ng maayos promise siguro sasabihin mo naman na salamat ibinigay ka saken ng panginoon😊

Đọc thêm

Same naman tayo sis, that time wala ako balak sabihin pa. Kasi natatakot dn ako, pero yung sister ko naglakas ng loob habang nag bebreakfast kame. Bigla nalang nagsalita kapatid ko "Ma, may sasabihin daw si ate" ayun nagulat ako, nakahalata na si mama that time kaya umamin na dn ako. Kung ano ano masasakit na salita ang natanggap ko sakanila ng papa ko. Diko kinaya kaya naglayas ako, pero pinabalik dn ako ni mama at nangako na hindi na ako sisisihin. Ngayon Okay na ako tanggap na nila im 6months preggy na ngayon. Kung ano sa tingin mo makakapagpagaan ng loob mo sa ngayon gawin mo sis para sa anak mo, malalaman at malalaman dn naman nila yan. Kung di mo pa kaya sabihin wag mo muna pilitin, panahon nalang at si GOD ang makakapag sabi at tutulong sayo. PRAY kalang din palage! 🙂 Kakayanin mo yan.

Đọc thêm
5y trước

Thank you poooo sobrang nakatulong po

Mga 3 mos nung nalaman kong buntis ako. Pero I think 2 mos nung ngumpisa na kong ngkasakit, at nahihilo at ngsusuka pero dko nmlayan na buntis na pala ako nagtataka lng ako bakit ganun nararamdaman ko at sukang suka ako pgmakakita ako ng pagkain haha. Family mo lang ang tutulong sayo. Blessings ang baby. Ako din nung una natatakot ako araw2 ko pinagisipan pano ako mkpgtiming na sabhin sa family. Nung umpisa parang ndisappoint sila pero maya2 sinabi kami lng dn makakatulong sa iyo bkt daw hindi ko agad sinabi. Tpos ngayon inaalagaan nila ako. At ginaguide kng ano pwede at hindi dpat kaainin at kng ano pwd at hindi dpat gawin. Tulungan mo sarili mo at baby mo at mgpray ka kay God na tulungan ka. He will always be there for you kase aalagaan mo ang baby na bigay nya. ☺️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sis ako ganayn din nalaman nila 5th month ko na una daddy ko nakaalam then huli mom ko. Di tanggap ng mommy ko talagang pinalayas ako ng bahay nalaman din ng mommy ko ang totoo pero in the end tinanggap nila since dad ko iba ang lahi sympre maswerte ako kase dad ko di ako pinabayaan at pinalayas ng bahay. Nung time na nalaman ng mom ko asa bahay ako ng hubby ko.Pero thankful padin ako i have parents na tatanggapin ang lahat ng love and care para sakn and sa baby ko.. My hubby and I are still in together. At planning pakasal next year dec 2021. Akala ko dati huli na pero hndi pa pala kase I have the reason to live and di ka matitiis ng magulang mo promise. Graduate na sana ako kaso ayun home schooling nalang ako :)) wag ka mawalan pagasa sis anjan si lord for you and gabayan

Đọc thêm