almoranas
Sino nanganak dto na may almuranas ? Ano po ginawa nyo ? 35 weeks may almoranas ako ??
Nagkakaroon po ako tuwing buntis ako 3rd trimester.. hotseat po momsh.. magpakulo po kayo water lagyan nio po mince garlic, ilagay nio po sa timba or arenola mga 1/4 yung level tska po kayo upo dun tiisin nio lng po yung init.. pag mi nkalabas po tska nio po itulak ipasok sa pwet niyo.. mga 3 times ko po gnawa wala na.. naawa ndin po c hubby nun skin d ako makakilos ng maayos..
Đọc thêmMeron dn po ako😫kabuwanan ko n ngayon at un ang problema ko kc masakit sya kinakabahan ako pg nanganak ako baka lalong lumabas ngtanong ako s doctor kung anong gamot pwede s buntis wala daw after manganak irerefer s surgery.kaya ngayon ngsa-suffer ako kc kumikirot tlga sya,naiiyak n nga ako.😔😭
ano ginamot teh?
hala ako din po meron 36 weeks pero di na gano masakit kaso nag wowory parin ako baka mas lalo lumabas pag manganganak na ko factu ointment reseta ob ko kaso ang mahal tapos umupo din sa mainit na tubig na may asin daw po ang sakit nung una huhu😔
Effective Po ba Yung mainit na tubig na may asin? May almoranas din Po kc ako .pa sagot Po .salamat po
Ako po. Bago nanganak nagkaroon. Sobrang sakit. Eto po para tipid kau. Super effective. Boiled water then chopped garlic. Papausok po kau. Sakin po one day lang nawala na agad.
Papaussuka. Po ba o uupuan ung tubig?
Ako po mamsh 34weeks preggy,, nalulunod nako kaka inom ng water and puro fiber na nga din kinakaen ko pero meron pa rin,, sinabi ko po sa ob ko na may almuranas ako then niresetahan nya ko ng suppository Faktu ang name,,
hindi ko na matandaan yung price and hindi ko din na try ung ointment,
Ako bsgo manganak po nagkaron.. nagpacheck up po ko may binigay lang na cream c ob saka ung umupo sa arenola na may tubig na may mainit na tubig ung sakto lang ung init ung kaya ng skin.. 3x aday
Opo sis.. bagong kulo ung init ung kaya ng skin mo
3 basong tubig po at isang basong vinegar po pakuluan then ilagay sa timba. tapos steam kayo.. super effective po..
wala po bang kumplikasyon kahit meron nito kahit normal delivery po sakin po kasi medyo may bukol po na lumalabas e tuwing dudumi .pareho din po ba yan sa inyo?
1 teaspoon of baking soda lng ihalo sa 1 tabo warm water then yun ang ipanghugas sa pwet, huwag gagamit ng sabon. Mawawala ang pangangati, sakit at pamamaga.
aq din meron eh...ngaun lang aq ngkaganito pang 2nd baby qna to tas 35 weeks na q ngaun...anu po kaya mganda gawen? ndeh nmn sya masaket kea lang parang nkakairita lang...
More water po then after mo dumumi umupo ka sa arenola na may warm water 15-30mins po do that twice a day as per ob.
pahidan mo lang Katialis mommy.. effective sakin yun.. tapos mura lang.. 40 pesos malaki na..
sobrang kati po nyan sa pwet
Dreaming of becoming a parent