Just mom na nalulungkot sa pag-aaral ng anak.
Last night tinanong ako ng anak ko kung may pasok ba siya ngayon, sabi ko naman, “Yes, it’s Monday tomorrow (which is today) may pasok na.” Tapos maya-maya nagkwento na siya. “You know Mamay when I always asked you if I have school in my (former school) I will always say, ‘Yay!’ but in my new school I say nothing.” Nalungkot ako at tinanong ko siya kung bakit, dahilan lang niya kesyo malamig daw ang aircon which is gustong gusto nga niya yun na may aircon unlike sa dati niyang school na nagbabayad nga kami ng tuition pero walang aircon. Kinulit ko pa sya kung bakit parang di siya excited pumasok sa new school niya kaso ayaw na niyang sabihin. Alam ko sa instinct ko na may iba pang dahilan kung bakit wala siyang kaexcite-excitement pumasok pero gusto pa rin naman niya pumasok sa school kahit papaano. Kaya lang pakiramdam ko hindi siya nag-eenjoy, walang excitement. Hula ko pa dahil siguro sa teacher nila kasi mukhang okay naman siya sa mga kaklase niya. Nakakalungkot na ganoon ang nararamdaman ng anak ko.