Ice creams and Milk tea's
Sinong preggy dto ang hilig sa ice cream and milk tea ? mag 4 months palang ako pero parang 5-6 months na raw ang tiyan ko?. Minsan nagsosoft drinks din ?.
Ingat at baka magka GDM (gestational diabetes) 8mos din ako nadiagnose nyan. Sobrang stress sa dami ng test. Balik balik pa sa endocrinologist-obgyne. Buti at namanage pa before I gave birth.
Ako nagtiis ako sa milk tea., pro ice cream hindi.. konti2 lang nman.. hehe.. msama din kasi ung sweets baka magka gestational diabetes ka.. tsaka nakakalaki un ng baby baka mahirapan kang manganak
Mamsh di naman sa tinatakot kita pero nung nag icecream ako 3 times a week, tapos mango float 3 or 4 times a week biglang lumaki baby ko. Pinag didiet na ako. Mahina naman ako kumain ng kanin
Same na same pala tayo 😂
Dahan dahan lang sis ganyan din ako nung bago palang nung nagtungtong ako ng 6months tumaas blood sugar ko kaya pinag diet ako lahat ng kinakain ko noon diko muna kinakain ngayon 😅
Ganyan din ako nuong 4 months mamsh pero ngayong ag 7 months nako, parang nagasawa nako sa sweets. Hinay hinay lang, para rin sa halth mo at sa baby. Lahat ng sobra ay nakakasama
Nakakainis lang yung ganito. Ako nagtiiis sa hard boiled egg dahil sa gestational diabetes at 8mos. Tapos yung iba kain ng kain ng kahit ano. Nadedepress ako. Sana all.
Okay lang yan moms, kain lang ng kain habang hindi pa 7-9 months tiyan mo kasi kapag 7 months na si baby, nakakakain na yan sa loob ng tiyan mo, dun mo na sisimulan ang pagdadiet mo,
Ang fasting ko nasa 95-105 ang range. Ang after meals ko below 140
Ako din mahilig sa sweets ngayong buntis, pero nung wala pa, madali akong mahilo sa matatamis. Haha! Dapat in moderation lang Mommy, mahirap mag diet kapag nasa 30 weeks na. 😁
Sarap naman niyan hehe dito sa bahay almost everyday nabili ng ice cream, kaso bawal eh kaya hanggang tingin lang muna ako hays pag ako talaga nanganak nakoooo sinasabi ko 😅
Di talaga maiwasan yung mga ganyan lalo na pag cravings ako hilig ko is malamig na softdrinks hehehe bawian mo nalang ng paginom ng madaming tubig sis para iwas na din UTI.
Queen bee of 3 supergirls and a superboy