For Minimal Contractions

Sino sainyo pinainom na ng ISOXUPRINE Tab?

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Meee!!! Taking it since 26weeks ako. Na e.r ako kasi tumitigas ang puson ko pero based sa mga test normal naman lahat Urinalysis, NST sa pag-galaw lang ni baby at pagod kaya pinagbawalan na ako mag lakad-lakad at mapagod. 35weeks na ako ngayon and nag ta'take pa din ako and bedrest.

Ako po last month for 5days lang. Pangpa'relax po ng uterine contraction. Kasi grabeng sakit ng puson at tiyan ko that time kaya pumunta na kami ng ER. Good thing di pa naman open ang cervix ko. Pero start nun bedrest na ako tsaka no contact na din dapat kay hubby.

28 weeks 3 days na aq nanigas puson Ko pero nakakalakad pa namn ngtake ako agad isoxsuprine..Kasi sabi ob q pag Nakakramdam ng paninigas uminom nyan dapat.at pahinga aq sa friday pa schedule q sa Ob

Nag overseas tour kasi kami in case daw makaramdam ng sakit ng puson kapag natagtag, inom daw ako sabi ni OB as per needed. Up to 3x a day ko sya pede itake.

Influencer của TAP

same here. mag 36 weeks na ako. niresetahan ako 3x a day tapos bed rest. mababa na tiyan ko at malambot cervix. tapos humihilab na tiyan ko at naninigas

31 weeks, pinatake na ako ni ob kasi nagpreterm labor contraction ako..until now 35 weeks, nagtatake pa rin ako..bedrest din po..

5y trước

Ok po. Thanks

Thành viên VIP

Me, twice a day for 2 weeks, naninigas kasi tiyan ko tapos mababa na daw agad si baby, 31 weeks and 4 days pa lang today

Ako po 1 week pinainom kasi inuubo po ako ng mejo malala. Para daw po marelax uterus ko kakaubo ko po

Me 3x a day. . na ER ako lastweek preterm labor. . bedrest na ako. . 27weeks 1day na ako ngaun. .

Thành viên VIP

Ako po. Last friday na ER ako kasi naninigas tyan ko. Yan po nireseta sa akin.