Phinga muna sa work to focus magkababy

Sino sa inyo mga momsh ang long time trying to conceive na? Ano yung mga gingawa nyo para hindi na lang masyado maisip yung pinagdadaanang “ganito” ? And since I am long time trying na din, napagdesisisyunan naming mag-asawa na magstop na muna ako sa work siguro within 6mos to focus on myself, iwas muna sa stress, lahat ng klase ng stress specially “workrelated stress”. Para mgkaroon ng time to visit doctor regularly, do checkups regularly. Lahat ng dapat gawin ng isang TTC. #Conceiving #Asking Please help me momsh to grant out greatest wish and hardest prayer to have a child. 🙏 And baka may masusugest pa kayo na ibang pwedeng gawin para malagpasan at makayanan pa namin tong struggle na to.

43 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

That is also what i have done sis. No regrets. Minsan kasi talaga yung stress sa work iba. Pagod katawan at isip. Nagkakataon pa na hindi kami magpanagpo magasawa dahil sa ibang schedule. So i decided to take a break from work. Tapos nagpamonitor kami sa OB. Ayun awa ng Diyos ngayon currrntly having twins na kami. Pero sis, just be ready lang ha lalo na kung sa gastusin. Kasi ako kinareer ko talaga ang gamutan mejo mahal talaga kapag nagbasic fertility treatment. Pero very worth it. With the help of supportive husband nakakasurvive naman kami. Hindi lang talaga ko sanay na wala akong work since first time ko to tumigil after several decades. Pero dahil maselan ako magbuntis pinagpapasalamat ko na nagresign ako. Iba ang focus at joy ng alam ko na naalagaan ko sarili ko para sa mga anak ko. Prayers for you sis. Kaya yan🤗

Đọc thêm

Tiwala at panalangin po bibigyan ka sa tamang panahon at pagkakataon. Kami po ng husband ko 4 years before nabiyayaan ng little one. Both kami umuwi from abroad to try na makabuo, sa tulong at awa po ng Ama nabiyayaan kami ng isang cute little girl mag 2months old na sia ngaun. What we did po nag eexercise kami every morning jogging and walking, healthy living din po. Less stress din talaga focus on happy thoughts and sympre ung pagpapanata at panalangin kay God na mabiyayaan ng baby. Ito ang verse sa bible na di ko nakakalimutan "When the time is right, I, the Lord will make it happen". Isaiah 60:22 Matibay na pagtitiwala po kay Lord na walang pag aalinlangan na bibigyan kayo at sigurado po ipagkakaloob din po Nya yun sa inyo. God bless po. ❤

Đọc thêm

Ako naman isa na lang ovary, may history pa ng ovarian cancer kaya isa na lang ovary. Nag chemo din ako noon. After nun nagstart ako magvitamins ng folate, vit c, vit D and coq10. Nung ngpakasal na ako nagtry kami and after 7 mos nakabuo naman. Before un nagdagdag ako ng vitamins na myo inositol even tho wala akong pcos. Maganda sya for egg quality. Inayos ko din diet ko which is paleo and medyo low carb pero not entirely keto. Nainom din ako ng red raspberry leaf tea and nagyoyoni steam din ako. Ginawa ko lahat ng pede gawin, kahit sinabihan ako na mahihirapan tlga makabuo. Retroverted uterus din pala ako. Ngayon 8 mos preggy na ako. Dasal lang din of course and wag magpaka stress :) And lagi pa check sa OB

Đọc thêm

yan din ginawa namen nung bagong kasal kame in the end lalo akong na stress 🤣 kase naubos ung ipon namen kse wala ngang income na pumapasok smen. Less stress lang po hindi tlga maiiwasan ang kahit aning stress mapa trabaho man o pang araw araw. Exercise/change of lifestyle/labtest/regular check ups/vitamins from doctors and faith! 4 years trying kme..in 2 months na pagsunod sa doktor namen buntis na ako ng march.. dapat po dedicated may work ako di ako tumigil kase pricey ang pacheck up at labtest. Stress din ako sa work tipong iniiyakan ko sa sobrang stress pero sa pagsunod sa doktor at awa ni Lord don pa ako nabuntis.. Manganganak na ako this december.

Đọc thêm

7 years of waiting, may endometriosis din ako stage 2 na. Dati palagi ako pumupunta sa doctor, nag diet kumain ng healthy, kahit ano na ginawa ko pero waley. Hinayaan ko nalang. Hindi na ako nag pray kahit ano2 na kinakain ko. Nag eenjoy lang ako sa life. Tapus yung trabahu ko work from home 4 hrs per day lang. Natutulog ako maaga. Usana cellsentials vitamins ko. Nawala na sa plano magbuntis ang akin lang okay mental health ko yun lang. Nagulat nalang ako tumaba na ako at palaging moody. Yun pala nabuntis ako na hindi ko inexpect at hininga sa panginoon. Umiyak nalang ako sa tuwa. I am now 7 weeks pregnant at panganay🥰

Đọc thêm

Hi mamsh. Ako same case. Been trying to conceive so we have done basic treatmrnt since i have pcos. So after three months dahil may work kami pareho walang nagyayari. I was asked to have indefinite leave but i refuse kasi gusto ko na talaga magbuntis talaga and mahirap pag nakulit pa rin ako about sa work. So i resigned sayang kasi bayad sa treatment if hindi din kami nagsaswak sa schedule and mega ung stress. After a month. Ayunnnn. As in no stress. I just relaxed and focus sa sarili ko. Nabiyayaan na kami twins pa. So right now focus ako sa pregnancy and i am developing hobbies like crocheting or reading books.

Đọc thêm

Sa unang baby ko honeymoon baby siya so napakadali ko nagbuntis.. then nung nagdesisyon na kami for 2nd baby Yun ang matagal 7years age gap nila.. nung Yun ang focus namin at every month e nag aantay kami na sana magbuntis ako Yun di ngyayari... naisip namin ng hubby ko na kalimutan nalang muna at mag enjoy nalang muna dahil ibibigay ni Lord Yun sa right time.. Yun bigla ako nag buntis at ngayon 9months old na si bunso.. Pray lang kayo ni hubby at wag paka stress mainam din magpatingin sa fertility specialist at enjoy niyo lang muna ni mister ang isat Isa magugulat ka nalang bigla yan darating si baby

Đọc thêm

ako wala akong ginamit since 5 years but in some months I was hoping magpositive .. but Hindi kopadin gusto magkababy that time Kasi working student and this year I'm ready Napo so nagtabi Kami halos Gabi gabi we did are best para magkaroon pagkayare tinataas ko paa KO kapag katapos namin ni Mr wag Ka agad agad tatayo ganyan lagi ko ginagawa try ibat ibang position basta pag yare taas mo paa mo sa pader ilift mo pwet mo para walang sayang .. ayon nabuntis Ng February wag Ka palya Gabi Gabi dapat my tabi😆 para happy both Ito nanganak nako Ng November my baby nakami after many years😆

Đọc thêm

2 years trying to conceive kami ni hubby, yet di kami pinapalad. Both kami stress and puyat sa work kaya siguro di kami makabuo. Sama mo na din anxiety and all as in super stress ko sa work. Then, I decided to leave my work. Actually, main reason ko noon was the company itself talaga as in di ko na kinakaya and pressure and stress. Di naman pumasok sa isip ko na magresign para lang mabuntis. Dumating nalang bigla na after ko mag resign 1 month after nabiyayaan na kami. Kaya I believed related talaga sya sa environment mo kung healthy sya and stress free. 💓

Đọc thêm

Been diagnosed with PCOS after we got married in 2014. Seek medical help, tried a lot of things to conceived. Actually it’s so draining physically, mentally, emotionally and financially. Last 2020 I said I’ll just stop treating my PCOS. Then pandemic happen got more time staying at the comfort of our home and after 8 months got pregnant. Now a mom of 1 year old and 5 months baby girl. I think that you shouldn’t stress yourself too much. Let go and let God. Trust His timing, because when the time is right He will make it happen. 😊

Đọc thêm